10.08.19 - Strange Guilt

237 35 0
                                    

Strange Guilt
10.08.19

"Absent si ma'am!"

Naghiyawan ang lahat sa dalang balita ng kaklase.

Sanay na sa ingay pero napalingon ako sa likuran nang marinig ang maiingay na tili.

Nagtama ang tingin namin ni Kiel. Napatikom siya ng bibig. Naka-upo siya sa desk, katabi si Rovin na sumisigaw rin at sa gilid nila ay si Clyde na umuungol naman. Mabilis na tinakpan ni Kiel ang bibig ni Clyde kaya parang nasungalngal naman ang isa.

Napa-iling-iling na lang ako.

Dahil free time ay naisip ko na gamitin ang oras para sana sa pagpaplano sa Art project kung saan kagrupo ko sina Shanice, Erin, Faye, Ailene, at Dianne.

Pero hindi ko magawang lumapit sa kanila at mag-aya. Nakita kong si Erin at Dianne ay kasama na ang mga kaibigan, nagreready sa paglalaro ng Ten, Twenty.

Pinanood ko na lang sila.

"Huy, meeting tayo!" Napalingon ako sa boses ni Shanice. "Group 3!"

Napatingin siya sa akin nang lumapit ako. Tahimik akong tumabi sa kaniya. Tinawag niya pa ang iba at maya-maya rin ay nakumpleto na kami.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Dianne.

"Hmm . . ."

"Great Wall of China," Faye suggested. Gagawa kasi kami ng miniature ng isa sa wonders of the world.

"Sige, isulat natin." Naglabas ng papel si Shanice para magsulat. Nagpasuggest siya at sinulat niya lahat.

"Hanging gardens of Babylon!" suggest ni Erin.

"Uy ang cute! Marami kaming fake mini plants sa bahay!"

"Yun na lang!"

"Hindi pa nakakasuggest ang iba." Nilingon ako ni Shanice.

"Uh . . . Colosseum," I uttered my suggestion. Naisip ko kasi gagawin namin siyang umiilaw.

Sinulat ni Shanice iyon at sinummarize lahat ng suggestions. "Bet ko 'yung hanging gardens."

"Hanging gardens din ako!"

Majority na ay iyon ang gusto.

"Hanging gardens na, okay na?" they confirmed.

Nagtama ang tingin namin ni Shanice.

Hindi na ako nagsalita kahit nag-a-alangan. Tumango lang ako.

Pagkatapos makumpirma ang gagawin namin ay nag-isip na ng mga kakailanganing materials.

"Ano bang pwede gamitin sa parang walls niya?"

"Illustration board?"

"Styro . . ." nagdadalawang isip kong sinabi.

"Ayun, styro pwede!"

"Tapos balutan ng illustration board para mas matibay," suhestyon ko.

Nilista ni Shanice ang mga nabanggit. "Okay, tapos mga mini plants!"

Tuloy-tuloy pa ang pag-u-usap kaya napipilitan akong iimagine sa utak ang kakalabasan ng gawa base sa mga suhestyon.

"Oki! Kaniya-kaniyang dala na lang ng materials!" They ended the meeting.

"Kailan tayo gagawa?"

"Gawa ako GC! Chat-chat na lang tayo!"

Nagkaniya-kaniya na sila. Bumalik na sa nilalaro sila Erin at ang iba ay may iba na ring pinagkaabalahan. I also returned to my seat.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon