School Year 2019

231 8 6
                                    

Kiel's POV

Hindi talaga ako iyong tipong madaling ma-attract.

Habang ang mga kaklase ko ay busy sa pagpapansin sa crush nila, makikita mo 'kong nagpapalanding ng eroplanong papel sa ibabaw ng aircon.

Ewan ko ba. Wala talaga akong pakialam sa pakikipagrelasyon. Madami namang magaganda sa school namin pero hindi ako na-a-attract.

Never pa nga akong nagkacrush buong buhay ko. Kaya ang tingin sa akin ng mga kaibigan eh isip-bata pa talaga.

Pero mas immature pa nga kung tutuusin ang mga sumasabak sa relasyon kahit bata pa dahil kung matured ka, maiisip mo na may mas mahalaga pang dapat pagtuunan ng pansin bukod doon, 'di ba?

Ah, basta! Ang tingin ko, sobrang overrated ng high school love. Aksaya lang ng oras! Immature pa nga eh, hindi rin naman magtatagal! Bakit pa susubukan?

"Let's date."

Pero bakit hindi kung kay Avien Evangelista susugal?!

Kinain ko lahat ng sinabi ko nang isang iglap lang ay kami na ni Avien.

Para akong nakalutang buong acquaintance party, hindi maalis ang tingin sa kaniya.

Napahawak ako sa mga labi at nagflash na naman sa isip ang nangyari. Hindi ko na naman napigil ang ngiti at naramdaman ang kung anong kanina pa kumakalkal sa tiyan ko.

Hanggang pag-uwi ay para pa rin akong nananaginip. Tulala ako sa kisame ng kama at nang mabalikan na naman ang mga nangyari ay nagpagulong-gulong ako habang pinaghahampas at sipa ang kutson.

Biglang tumunog ang phone ko at nang mabasa ang pangalan ni Avien ay nalaglag ako sa kama. Hindi ko ininda ang sakit at agad na nagreply.

"Mi, ako na." Kinabukasan ay inagaw ko kay mommy ang nililigpit niyang pinagkainan namin.

Sinundan niya ako ng tingin habang nagliligpit ng pinagkainan. Nang magtama ang tingin namin ay 'tsaka ko napansin ang naniningkit niyang mga mata at mga labi kong parang mapupunit na pala sa ngiti. Instead of hiding it, I smiled even wider.

"Manang, ako na." Nagpresinta na rin akong maghugas ng plato. Napatabi si manang at sinundan ako ng tingin.

Habang nagsasabon ng mga baso ay narinig ko na naman ang pagbilin ni Avien na kumain na ako.

Nangingisi kong kinuskos nang mabuti ang pwet ng baso.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong ni mommy nang punahin ko ang mapanghusga niyang tingin sa akin habang nanonood kami sa sala.

"Anong sasabihin ko, mi?" balik ko ng tanong at dahan-dahang binaba ang cellphone. "Resorts World Manila?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Tinago ko na ang ngiti ko at umiwas ng tingin kay mommy. Pasimple na lang ang pakikipagchat ko kay Avien habang nasa TV ang atensyon niya.

"Haha! Nakakatawa talaga 'tong meme na 'to!" Sumide-eye ako kay mommy nang maramdaman ang tingin niya at tinago sa tawa ang paghagikgik ko mula sa chinat kay Avien.

"Patingin?" pakikiusyoso niya at lumapit pa. Kabado bente, agad kong nilipat sa Facebook ang screen ko at pinakita sa kaniya.

Tinignan niya ang nasa cellphone ko bago bumalik ang mga mata sa akin. Nagdilim ang paningin niya kaya agad kong tinignan ang nasa screen ko.

Shared post pala iyon ni Clyde ng babaeng nagbebenta at alok ng cookies pero sa mga litrato eh mas kita pa ang malaki niyang boobs kaysa sa tinitinda. 

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon