07.28.19 - Getting to Know

314 37 1
                                    

Getting to Know
07.28.19

"Hello po, ganda," Kiel greeted as I opened our gate for him.

Linggo ngayon at bumalik siya sa bahay.

Sinalubong ko siya ng ngiti. Tumaas ang mga kilay niya, amused.

"May tanong ako sa 'yo at kwento," aniya.

"Pumasok ka muna."

Tinabihan ko siya sa sofa. "Anong sasabihin mo?"

He shifted from his seat to face me. "First question, hindi alam ng mommy mo na may boyfriend ka?"

Umiling ako.

"Uh . . . Hindi mo sasabihin?"

Tumagal ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung paano. And I don't think I'm allowed to have a boyfriend."

Napasinghap siya at napasandal sa sofa.

"So ang alam lang niya ay kaibigan mo ako?"

"Yes. Why? Pinag-isipan mo rin 'to?"

"Oo. Hindi na naman ako nakatulog kagabi."

"Anong oras ka natulog?" Hinarap ko siya.

"4?"

My eyes narrowed. I lifted my hand, attempting to fix his hair. Napahinto rin ako midway at agad binaba iyon.

"You look tired," sabi ko na lang at umiwas ng tingin.

I froze from my seat when he suddenly scooted closer and rested his head on my shoulder. Tapos ay kinuha niya ang kamay ko at dinala sa pisngi niya.

"Pwede mo 'kong hawakan," he reminded me.

". . . Bakit ang init mo?"

Ibinaba niya ang kamay ko at siya ang humawak sa sarili. "Weh?"

"Are you okay?" I asked. Chineck ko rin kung mainit ang leeg niya.

Napabangon siya.

"Nilalagnat ka," I concluded.

Umiling siya. "Mainit sa labas. Naglakad ako mula Sierra."

My brows shot up. I lifted my hand to finally fix his unruly strands of hair.

"S-So ano . . . Kung hindi alam ng mama mo, hindi na ako pupunta ulit dito."

Natigilan ako. "Bakit?"

"Parang mali talaga. Parang kasalanan. Atsaka nakakatakot. Paano kapag bigla siyang umuwi?" He shifted from his seat.

"Then we won't meet anymore?" Wala naman nang ibang private space.

"Sa park, okay lang ba? Uh . . . Mga bata lang naman."

Napaisip ako tapos ay tumango.

He smiled. "Okay. Next question, wala ka bang chismosang kapitbahay?"

"Huh?"

"Kasi hindi alam ng mommy mo. Paano pag may chismosang magsabi na 'huy may dumaang lalaki diyan sa bahay niyo kahapon'."

I chuckled at his imagination. "Wala. We mind our own business here."

"Buti naman."

"Ano pa?"

"Uh . . . Nakalimutan kong linawin kahapon. Paano tayo magdedate?"

Napataas ako ng kilay.

"Sa private lang palagi? Ayaw mo rin ba sa mataong lugar pero hindi naman nila tayo kilala?"

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon