07.31.19 - Harvin

254 30 0
                                    

Harvin
07.31.19

TW: Anxiety attacks

Hindi pa rin pumasok si Kiel and hindi ko macontact so I assumed na confiscated pa rin ang phone niya.

Mag-aalala na sana ako kung hindi ko lang naisip na ever since nga, matagal talaga siyang umabsent tuwing may sakit.

Napaisip tuloy ako. Mukhang protective ang parents niya. Hindi malabo since only child siya.

Kung gano'n, pinapayagan na kaya siyang mag-girlfriend?

Inalis ko na sa isip si Kiel nang dumating ang subject teacher. Computer ang first subject namin ngayon at pinapunta kaming computer laboratory.

Nagkaroon ng discussion. Like what I did to other subjects, I made sure to take notes and take everything to my brain so I could help Kiel catch up.

We had a lesson for about 35 minutes before we were allowed to open the monitor.

Nagpaalam ako kay Sir na babalik ng room dahil hindi ko pala nadala ang pinagsulatan ko ng password at username ng website.

I went out and walked my way through the corridor. Nasa third floor kami at bukod sa com lab ay nandito rin ang TLE room at Science laboratory, sa dulo ay ang library.

Madadaanan ang Science lab bago ang hagdan pababa. Nang malagpasan ko ay nakarinig ako ng pagkabasag galing doon kaya napahinto at napalingon.

As far as I knew, rooms remained locked unless in use . . .

I walked backwards and peeped through the small glass window of the door. I didn't see anyone but I saw some shattered glasses on the floor.

My brows knitted as I held the doorknob. Hindi nakalock kaya pinihit ko iyon.

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang bumungad si Harvin sa may pader sa tabi ng pinto.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Anong ginagawa mo rito?"

I surveyed the room. My eyes lingered at the broken test tubes on the floor. Natapon pa ang kung anong mga nakalagay doon kaya basa rin ang sahig. Nalaglag iyon mula sa estante.

Nalipat ang tingin ko sa kamay ni Harvin nang mapansing mayroon siyang isinuksok sa jacket niya.

"Bakit ka nandito?"

"Narinig ko 'yung nabasag. Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka nagpuntang comlab?"

He averted his gaze and closed the door behind me. After a few seconds, we heard some voices and footsteps.

Harvin suddenly pulled me away from the door.

"Wha—"

He stopped in front of me while still holding my wrist. With his other hand, he put his index finger on his lips, gesturing me to stay quiet . . . and so I did.

When the sound weakened, he let go of my wrist and checked if the students already left.

Sinundan ko siya ng tingin pero hindi na ako nagtanong. "Lalabas na 'ko."

Bubuksan ko na ang pinto nang tawagin pa niya.

"Evangelista."

Nilingon ko siya.

"Wala ka bang itatanong?"

". . ."

". . ."

I felt like it was a test. Umiling ako. I doubted he would tell me anything and for some reason . . . I didn't want to . . . delve deeper.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon