04.13.19 - Withering Solace in Solitude

299 35 4
                                    

Withering Solace in Solitude
04.13.19

"I-lock mo ang pinto," bilin ni mommy bago umalis. Bakasyon na namin at tuloy-tuloy ang pagpasok ni mommy sa trabaho kaya maghapon akong mag-isa sa bahay.

Napahiga ako sa sofa at tumitig sa kisame.

Maya-maya ay nagring ang phone ko.

"Tita."

[Avien, hindi muna kami makakadaan at dadalhin ko sa dentist ang kambal.]

". . . Okay po."

[Nasabi mo na ba sa mommy mo 'yung bakasyon?]

"Hindi pa, 'ta."

[Sabihin mo na. Kung ayaw niyang sumama, ikaw na lang ang sasama.]

"Sige, 'ta. Bukas po dadaan kayo rito?"

"Oo, sige, 'nak. Gusto mo ihatid ko diyan ang kambal mamayang gabi? Diyan sila matulog."

"Opo, sige." I smiled.

Kinamusta niya pa ang recognition ko bago nagpaalam. Nang maibaba ang tawag ay bumalot na naman ng katahimikan ang bahay.

Ilang minuto akong nakahiga lang sa sofa bago napagdesisyunang lumabas. Dinala ako ng mga paa sa Sierra Café.

Umorder ako at naghanap ng table. Nilibot ko ang paningin at walang nakitang bakas ni Kiel. Pati ang Tita niya ay wala sa shop.

Ilang sandali akong nanatili sa shop at lumabas lang nang marami na ang tao. Naglakad-lakad ako sa subdivision at nakarating sa park. I just sat on the swing. Mahina akong nagpaduyan at pinanood ang mga batang naglalaro kasama ang mga magulang.

Gusto ko sanang magtagal sa park kaso dumami pa ang mga naglalaro roon. Tumayo na lang ako at binigay sa bata ang swing. Hindi rin ako makaupo sa bench dahil okupado ng mga magulang.

Sa huli ay umuwi ako.

Binaba ko sa sala ang laptop ko. Then, I tried writing again. Sinubukan kong magfocus pero nawawala ako sa kalagitnaan.

I frustratedly closed my laptop.

I stared blankly at our empty sala.

I was all fine being alone. Until it started getting to me.

*  *  *

July 26, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon