08.10.19 - Eating My Words

249 33 0
                                    

Eating My Words
08.10.19

Kinailangan ko pa ng ilang minuto para iprocess nang mabuti ang lahat ng sinabi ni Harvin. Parang hindi ako nakahinga.

I just confirmed that he was really sick.

Ang pinagkakamalang duwende noon ng mga kaklase ko, siya pala . . .

"D-Did you also manage to return all the . . . money?" nagdadalawang-isip na tanong ko.

Umiling siya. "Akala ko noon, absent-mindedly, kumukuha na rin ng pera ang mga kamay ko. Pero hindi. Hindi ako 'yun. Hindi ako 'yung nangungupit ng pera sa room."

Dahan-dahan akong napatango.

Tahimik na ako. Hindi ko na lalo alam kung paano ang tamang pakikitungo sa kaniya ngayong nakumpirma ang lahat.

I felt bad for him. But I also felt proud of him for overcoming everything and still trying until now.

Maliit akong napangiti habang nakatingin sa kaniya.

Who would have thought that this introverted Harvin is such a brave soul?

I checked my watch. It was already 12 PM.

"Let's eat, my treat," aya ko sa kaniya.

Naiwan ang tingin nya sa akin.

"After that . . . Uh, can you still practice?"

He nodded.

"After lunch, punta na tayo kila Kiel," I said and nodded.

Napaiwas siya ng tingin at tumango.

Tumayo na kami at habang palabas ng court ay chineck ko ang phone ko.

Umawang ang mga labi ko sa dami ng missed calls mula kay Kiel. Nagbabasa pa ako ng messages niya mula pa kanina nang magring ulit ang phone sa tawag niya.

[Avien!]

Dinig ko ang ingay sa background niya na unti-unting humina hanggang sa nawala.

[Okay ka lang?]

"Yes?"

[Nasaan ka?]

"Nasa school pa."

[Sunduin kita?]

I suddenly felt guilty. Napanguso ako.

". . . Sorry . . ."

Napalingon sa akin si Harvin.

Lumayo ako kaunti. I looked away.

[Hm?]

"Hindi ko nasagot tawag mo. Nakasilent phone ko."

[Bakit?]

"I forgot to check."

[Bakit?]

"May kausap ako . . ."

His line went silent, naghihintay ng sasabihin ko.

"Kasama ko si Harvin," I told him honestly.

[May nangyari ba?] he asked.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon