10.16.19 - Closure

301 28 6
                                    

Closure
10.16.19

Pina-lock ko kay Kiel ang pinto at tinawag siya sa tabi ko.

"Magpahinga ka na." He brushed my hair off my face. "Gigisingin kita kapag iinom ka na ulit ng gamot."

Umiling ako at sumandal sa balikat niya. I wanted to savor the moment with him.

Naglagay siya ng unan sa lap niya at doon ako pinahiga para mas kumportable ako. He continued running his fingers through my hair.

"Nagkausap kami ni Nathan."

Napamulat ako sa narinig. I met his eyes.

"Gusto niya magsorry sa 'yo."

"B-Bakit?"

"Hindi niya raw sinasadya ang mga sinabi niya. Hindi ka niya gustong paiyakin. . ."

After what I've done . . . siya pa ang magsosorry sa akin . . .

"I'm sorry kung tinanong ko siya kung anong nangyari. . ."

So he knows already. . .

Nakaramdam na naman ako ng hiya at panliliit sa sarili.

"Pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya sa 'yo.

"Pero alam kong hindi na mababawi . . . Nasaktan ka na. Pero, please, love, sana hanggang doon na lang. Don't let him define you. . ."

". . ."

"Lahat nagkakamali. Aminin man natin o hindi, lahat tayo nakagawa na ng kasalanan, ng masama. Pero hindi ibig-sabihin eh iyon na ang pagkatao natin. Parte lang 'yon ng pagiging tao natin. Kasi hindi tayo perpekto."

Pumatak ang luha ko na agad kong pinalis. "But I've been like this ever since . . . Masama akong tao."

He just indirectly agreed with what Nathan said. Dahil imbis na sabihin niya sa akin na hindi naman totoo iyon ay kinocomfort niya ang nararamdaman ko.

And he believed Nathan. So he believed I was capable of doing that.

I really am like that.

Mas masakit pala kapag kay Kiel na galing.

"Hindi ka masamang tao." He was so sure of it. "Hindi ka lang aware sa nagagawa mo."

My lips formed an inverted smile as my eyes got blurry again. Napahikbi ako at tinakpan ang mga mata. "And I hate myself for that. . ."

"Sinong masamang tao ba ang iiyak kasi masama siya, ha?" His voice cracked.

Tuloy-tuloy na ang paghikbi ko.

"B-Bakit ka ba nila ginaganyan." Now, we were both crying. "Palagi ka na lang pinapaiyak . . ."

Niyakap niya ako. He composed himself before pulling me up and making me look at him in the eye.

"Mabuti kang tao, Avien. Ako, nakikita ko 'yun. Nakikita ko 'yung pagiging maalaga mo. Sobra. Palagi mo akong binibilinan tungkol sa kalusugan ko. Sobra ka mag-alala sa akin.

"Hindi mo personality pero sinasabayan mo ako sa mga gusto ko. Pumapayag ka sa mga gusto ko. Tinutulungan mo ako sa acads kahit na marami ka nang ginagawa. Binibigyan mo pa rin ako ng oras kahit sobrang demanding ko na. Sobrang understanding mo.

"Si mommy mo palagi mong nilulutuan. Pinipilit mong gawin lahat kasi ayaw mo siyang maabala. Ayaw mo siyang iwan mag-isa rito sa bahay nang matagal. Ang haba-haba ng pasensya mo. Lahat sinusubukan mong intindihin.

"'Yung kambal, binibigay mo lahat ng gusto nila. Iniispoil mo sila pero hindi to a point na makakasama na sa kalusugan nila. Sobrang thoughtful mo.

"'Yung effort mo sa lahat ng bagay, nakikita ko. Na kahit pagod ka na, wala kang nirereklamo. Kahit masakit, wala kang sinasabi. Kahit sobra na, okay lang.

"Si Harvin. Nakikita ni Harvin 'yon. Sa mga panahong may problema siya, nandoon ka para sa kaniya. Hindi mo siya sinusukuan. Hindi mo siya hinuhusgahan. Hindi mo siya binitiwan. Tinulungan mo siya. Binigyan mo siya ng kaibigan sa mga panahong mag-isa siya. Nakikita ni Harvin 'yon.

"Gano'n ka magmahal, Avien. Nakikita ko iyon. Gano'n ba magmahal ang taong masama? Marunong bang magmahal ang taong masama?"

Tumigil na ang mga luha ko, hikbi na lang ang natitira. My lips trembled as I wiped off Kiel's tears.

"Nakikita mo ba kung gaano kaswerte ang mga taong mahal mo at mamahalin mo pa?"

Niyakap ko siya nang mahigpit dahil siya ang may hindi alam kung gaano kaswerte ang mga taong mahal niya at mamahalin niya pa.

Hindi niya alam kung gaano kasarap sa puso ang mga sinabi niya.

Lahat ng hinagpis ko, napawi.

He really is such a good person. He sees and focuses on the good side of everybody.

Now I know why he doesn't get mad and hates no one.

Kumalas ako sa yakap para matignan siya.

Napalunok ako bago sabihin ang mga naalalang itanong. "Love . . . Ikaw. . .bakit ka naiinis sa akin dati? Why did you. . . dislike me?"

Hindi ako halos nakatulog kagabi dahil nagsunod-sunod na ang pagpasok sa akin ng mga alaala. Sa journal, nabalikan ko kung paano ang turingan namin ni Kiel. Ang dami kong tanong.

Ngayon, nagkaroon ako bigla ng lakas ng loob itanong.

"Please be honest with me."

". . ."

"Gusto kong malaman . . . Sabi mo dati ayaw mo sa ugali ko . . . Bakit? What exactly? Alam kong rude ako sa 'yo noon pero bukod sa mga naaalala ko at naisulat ko, ano pa ang nagawa ko at nakita mo sa akin para kaayawan ako?

"You were friendly to everyone else pero bakit ilap ka na sa akin bago pa tayo maging grade 9 at makagrupo kita sa film? Ayaw mo pang grumupo sa akin no'n. Bakit? . . . Bakit pakiramdam ko sa mga tingin mo noon, iniinsulto mo ako. . . Ano bang mga nagawa ko? Ano bang tingin mo sa akin?

"I want to know . . . what kind of person was I in your eyes . . ."

Nilabas ko na lahat ng tanong ko. The love I felt from him right now was enough to mend the coming pain.

Half of me already knew the answers but I wouldn't get everything off of my head and chest if I wouldn't let those questions out and hear proper answers.

I needed proper closure for the person that I was.

Because even though I wanted to be better already, a part of me was still trying to validate my actions. I knew that was wrong but I was doing it unconsciously. Deep inside, I was still trying to deny my toxic traits.

Hindi ko mapapakawalan kung patuloy kakapit kasi binibigyan ko ng rason kumapit.

Kaya kailangan kong marinig sa taong mahal ko. Kailangan kong marinig kay Kiel mismo kung ano ang problema sa akin. Magiging masakit pero roon ako tuluyang maniniwala at mapapadaling bitiwan.

*  *  *

August 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon