11.09.19 - Quick Escape

271 10 6
                                    

Quick Escape
11.09.19

Nakapagcheck-in na kami nang magseen si Kiel sa messages ko. Kanina ko pa inaabangan na magising siya kaya hindi pa man nakakatipa ng mensahe ay inunahan ko na ng tanong na kung pwede ba akong tumawag. Agad ding tumunog ang phone ko para sa video call.

Pumasok ako ng kwarto. "Good morning!!" I greeted cheerfully.

[Good mor--- Du'n nga kayo.]

May mga ulong pilit sumisilip sa screen ni Kiel na pinagtutulakan naman niya kaya ang gulo tuloy ng linya niya at ingay.

Tuluyang naagaw ang cellphone kay Kiel. Sumilip sa screen ang isang lalaki at dalawang babae.

[Hello po!] pagbati nila at kumaway pa.

Nahiya ako, gusto sana ilayo ang camera sa mukha pero baka akalaing suplada ako kaya ngumiti na lang din at kumaway. Ang alam ko, mga pinsan sila ni Kiel.

[Tulog pa oh, ate! Kanina pa 'yan ginigising!] pagsusumbong ng isang babae habang tinatapat ang camera kay Kiel na nakasalampak sa kama at nagtaklob ng unan. [Ay ate oh, tutulugan ka! Payag ka no'n, ate?

['Te, 'pag ikaw ginano'n-gano'n lang nito, kami bahala!]

"Nahihilo ata siya," pansin ko.

[Ay,] react nila at biglang kinantyawan si Kiel.

I saw Kiel's grin as they returned his phone. He smirked proudly at his cousins.

[Nawala bigla antok niya oh. Nahihilo na bigla.] Dinig ko pa ang side comments.

Unti-unti na ring nawala ang ingay.

[Sorry. Mga pinsan ko.] Umayos ulit ng higa si Kiel. Gulo-gulo pa ang buhok. He looked groggy. [Saan ka?]

Napansin niya ata ang background ko at shades sa ulo. Itinapat ko nang maayos sa akin ang camera. Pagalaw-galaw kasi ako kanina habang hawak ang phone dahil nag-a-ayos ng gamit.

"Ang dami kong kwento sa 'yo."

[Umiyak ka ba?]

"Why?"

[Namamaga mata mo. . .]

"Kwento ko later. Anyways, guess what!"

[Hmm. . .]

"I'm 20-minute drive away from you!" Nireveal ko na agad dahil mukhang medyo bangag pa si Kiel.

[Huh?]

"Nandito kami sa Tagaytay."

Kumunot ang noo niya at nagslouch sa higaan para mahawakan nang maayos ang phone. [Weh?]

"Yup! Check my location!"

Agad niyang chineck iyon at napaayos ng upo sa nakita. [Halaaa ba't ka andiyan . . .]

I chuckled. "Nagbook si mommy. Nagkataon lang na malapit sa inyo."

[Kita tayo. Punta ka rito?]

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon