10.14.19 - The Truth

229 31 2
                                    

The Truth
10.14.19

Hindi na tumigil ang mga luha ko. Hindi ko na kayang bumalik sa classroom.

"Avien?" Narinig ko ang boses ni Harvin. Agad akong napalingon.

"H-Harv," I broke down.

Si Harvin, we think alike. I was desperate to seek validations for my actions but I couldn't utter anymore words. I just completely broke down.

Nanlaki ang mga mata niya sa pag-iyak ko.

I held my hand out in the air when he was about to touch me. Lalo lang akong iiyak.

Napahinto si Harvin at hinayaan ako. Humarap ako sa bintana. I frustratedly wiped my tears but they just wouldn't stop.

Sobra-sobra na ang panginginig ko, tinapik na ni Harvin ang likod ko.

"G-Gusto mo bang tawagin ko si Kiel?"

Desperado akong umiling. "H-Huwag . . .

"J-Just please, talk. Distract me."

"H-Huh? Anong sasabihin ko?"

"B-Bakit ka nandito? Saan ka pupunta? Just . . . talk."

"Lumabas ako. Ang gulo sa room. Nagkakagulo sila. Umamin si Rhea na siya raw talaga kumuha ng class fund."

I collapsed on the floor, crying.

I couldn't think straight anymore. Puro pag-iyak na lang ang ginawa ko. Parang sasabog na ang dibdib ko sa klase-klaseng emosyon.

I just found myself in the infirmary.

"Avien . . ." Nakita ko sa harapan si Kiel. His eyes gleamed for a moment when I returned his gaze.

Napalingon ako sa paligid at nakita ang iilang kaklase. I couldn't even register their names. Napaawang lang ang mga labi ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumindig ang mga balahibo ko.

Natigilan ako nang magtama ang tingin namin ni Nathan.

Agad nanubig ang mga mata ko. Guilt clenched my heart.

His eyes widened a fraction. Napalingon sa kaniya si Kiel. Napatikom ng bibig si Nathan at nawala siya sa paningin ko.

Napapikit ako. I bit my lower lip to stop them from trembling.

Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao.

I slid under the blanket. Hindi ko kayang tumingin sa kahit kanino.

"Umalis na sila." Kiel squeezed my hand. "I'm sorry, gusto lang nilang icheck ka."

I pursed my lower lip.

Marahan niyang sinuklay sa likod ng tainga ang takas na buhok ko. Kumawala ako sa hawak niya at nagtaklob ng kumot. I couldn't bear being held by him.

I don't deserve him. I don't deserve his care. I don't deserve anyone's care.

"Please, leave . . ." I murmured.

Ilang segundo pa bago siya tumayo mula sa pagkakaupo sa higaan ko. Nagsimula na namang tumulo ang panibagong mga luha ko.

"Nandito lang ako, ha?" huling sinabi niya bago ko narinig ang pagsarado ng pinto.

*  *  *

August 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon