07.15.19 - Losing My Mind

270 32 0
                                    

Losing My Mind
07.15.19

"Evangelista."

I snapped out of my reverie when the teacher called my name.

Napatayo ako.

Nag-angat ng tingin sa akin si ma'am, naghihintay.

I returned a confused gaze, napalingon na rin sa akin ang ibang kaklase.

"Read the next paragraph," ani ma'am.

Napalabi ako at umupo ulit. I skimmed through my book. Nasaan na ba?!

"Third paragraph," sabi ng katabi ko.

Agad kong binasa iyon.

"Stand up, Ms. Evangelista."

I stood up while reading, flustered.

Yuko akong umupo matapos magbasa. I bit the inside of my lower lip, ashamed and regretful.

Nag-angat ako ng tingin para sana magbigay ng nagsisising tingin kay ma'am. But my eyes involuntarily shifted at Kiel as he was looking at me. He gestured a thumbs up and flashed a probing look.

I gritted my teeth. Bumalik ang tingin ko sa unahan at pinigilang muli pang bumaling kay Kiel.

It was because of him! I was watching him, I lost focus in the discussion!

I clenched my fist and fixed my eyes on my book.

I'm so ashamed of myself!

"Ms. Evangelista, may problema ka ba?"

Tuluyan akong nanliit nang sumunod ay ipatawag ako sa faculty para kausapin.

"Napapansin kong wala ka sa focus nitong mga nakaraang araw. Okay ka lang ba?"

Mga nakaraang araw! Ilang araw na! At napapansin na ng teacher!

She even sounded so concerned!

"Sorry po . . ." iyon na lang ang nasabi ko. Mas lalo akong nahiya sa sarili dahil ang rason ay hindi malalim na gaya ng maaariing iniisip niya.

"If you have a problem, you can talk to me about it. Or to the councilor. Okay?"

I nodded, guilty.

Nagmamartsa akong bumalik ng room.

"Avien, okay ka lang?" bungad ni Kiel.

Nilampasan ko siya sa inis. Naiinis na naman ako sa kaniya na dapat naman ay hindi dahil ako ang may kasalanan!! Wala naman siya sa tabi ko! Nakaupo lang naman siya sa upuan niya! Wala siyang ginagawa!

Pero sa kaniya ako naiinis!

And he probably somehow figured out how to react to my mood. Dahil hindi na siya lumapit nang walang sabing lampasan ko.

I felt glad! Because he's the last person I want to see right now!

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Kahihiyan sa sarili! Inis kay Kiel! At pati na rin uneasiness sa naging behavior ko sa kaniya!

Para na akong mababaliw!

"Fine! I like you!!" pagpisil ko sa unan ko nang makauwi ng bahay. "I like you! I like you! I like youuu!!" Binugbog ko iyon. "I admitted it already! Please get out of my head now!!!" pagmamakaawa ko. Gusto ko nang maiyak sa frustration.

*  *  *

August 6, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon