11.02.19 - Bottle All Up

143 3 0
                                    

Bottle All Up
11.02.19

Sa buong linggong walang pasok dahil sa holidays ay hindi manlang kami nakapagkita ni Kiel.

He didn't invite me anywhere and I didn't plan anything as well even if I wanted to be with him. Sa school na lang kasi kami nagkakasama, iniiwasan niya pa ako. Hindi na rin ako pumapayag magpahatid kapag uwian kasi para saan pa? Lalo ko lang mapapansin ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin.

Pero wala akong sinasabi. Hindi ako nag-iinarte sa kaniya o ano.

I knew what I wanted and that was to be with him but I didn't want to demand anything.

Sanay akong tumatanggap lang sa kung anong atensyon ang kayang ibigay sa akin. Sanay akong umintindi. I was used to making up excuses for everyone who couldn't make time for me.

Sanay ako. Nasanay ako kay mama.

Pero bakit ako umiiyak ngayon?

* * *

January 20, 2024

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon