11.08.19 - Louder than Words

240 6 1
                                    

Louder than Words
11.08.19

Pagbalik ko sa loob ay nasa kusina pa rin si mommy. She was slicing the fruits Kiel brought home but what caught my attention the most was the Camote fries on the table. Luto na iyon pero ngayon ko lang napansin, siguro'y nakatakip kanina.

"Kumain ka muna," aya ni mommy bago pa man ako makalagpas.

I silently sat on the bar stool. Nilapit sa akin ni mommy ang plato.

"Kainin mo na habang mainit pa."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung hindi na ba masama ang loob ko sa kaniya o distracted lang ako. Nevertheless, hindi ako kumportable ngayon. Na-a-awkwardan ako maiwan kasama siya. Kaya habang kumakain ay nagphophone ako. Inabala ko na lang ang sarili sa panggugulo kay Kiel.

kiel daldal
active now

Currently eating my favorite snack

camote fries? luto ni mommy?

Oo. Sayang 'di ka nakakain.

ayieeeeeehh

?

nilutuan ni mommy ng favorite snack 😍😍😍

🙄

Napatingin tuloy ako kay mommy. Niluto niya ba 'to kasi favorite ko?

Right. Hindi naman siya palaluto ng merienda. Ako madalas iyon. Kaya nga napansin ko ang pagkain pagpasok ko.

Nang mag-angat ng tingin sa akin si mommy ay bumalik ang mga mata ko sa kinakain. I scrolled through my phone.

"The trip. . ." She broke the silence. "Hindi kita pinayagan kasi ikaw lang mag-isa. Hindi ko pa kilala ang boyfriend mo."

Medyo nag-cringe ako marinig na mayroon siyang iaddress na boyfriend ko.

"Magkaklase ba kayo?"

I nodded.

"How did you meet?"

Napanguso ako, dumaan sa isip na hindi ko pala alam kung ano ang unang interaction namin ni Kiel. Basta magkaklase kami. "Uh. . . Nung nagtransfer po ako, kaklase ko siya since then."

Tumango si mommy, mukhang naghihintay na dagdagan ko.

"Galing siyang kabilang section pero natransfer sa amin."

"Why?"

Napaisip ako kung bakit nga ba. Hindi ko rin alam! Iyon lang ang naaalala ko! Wala naman kasi akong interes kay Kiel no'n!

I shrugged.

"When did you like him?"

Napapatahimik na lang ako sa mga tanong ni mommy, hindi sanay.

"What type of guy is he? Bakit mo siya nagustuhan din?"

Kahit hindi na ako sumasagot ay nagtatanong pa rin si mommy! She was really pushing the topic on!

Ang awkward sagutin pero naisip ko na kung ang paguusapan namin ngayon ay tungkol sa mga hinanakit na sinabi ko sa kaniya kagabi, mas lalo lang akong hindi magiging kumportable.

Kaya mas okay na ito na si Kiel ang topic. Mas marami naman talaga akong masasabi kung siya ang pag-u-usapan kaysa sa sarili ko.

"I liked him first," I corrected. I suddenly had a flashback of all the stupid things I did and stupid thoughts I got in the name of suppressing my feelings for Kiel.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon