07.17.18 - Crayon Crumbs

741 54 8
                                    

Crayon Crumbs
07.17.18

"I'll give you the time to prepare for your project. As I told you, guys, sa time ko lang kayo gagawa. Hindi kayo pwedeng pumunta kung saan-saan at magshoot after class hours, okay? So make sure to be productive during my time," bilin sa amin ni Mrs. Reyes bago kami pinapunta sa kaniya-kaniyang kagrupo.

"May script na tayo?" they asked.

Wala pa! I didn't expect na bibigyan agad kami ni ma'am today ng time para makapagpractice! Inischedule ko na kung kailan ko gagawin ang script! Ibang project ang schedule ko last night!

"Gawin na lang natin today. Iyon din naman gagawin ng ibang group," aya nila.

Nagpunta kami sa students' lounge at naghanap ng table.

Gusto ko ako lang ang mag-i-isip at magsusulat pero hindi ako makapagfocus dahil ang ingay nila!

"Ano kaya kung Fantasy na lang genre natin?"

"Mahirap 'yun, sa school lang naman magshushoot eh!"

"Ano naman!"

"Maganda mga estudyante na lang ang bida para hindi na tayo magcocostume."

"Ano sa tingin mo, Avien?"

"Ako na lang gagawa."

"Saan ka pupunta?" tanong nila dahil tumayo ako.

"Library."

Dumiretso akong library para mas makapagfocus.

I love writing. Kaya pinakagusto kong project kapag need ng writing. I had always been passionate about it.

Gustong-gusto ko lalo kapag mystery ang genre kaya iyon ang gagawin kong script ngayon.

Buong oras ang tinagal ko sa library. Maganda talaga kapag school requirement kasi natatapos ko agad.

Bumaba na ako at bumalik ng lounge nang matapos ang sinusulat.

"Uno!!" Dinig na dinig ko ang ingay ng grupo hindi pa man din ako nakakalapit.

Naabutan ko silang nagtatawanan at hiyawan. Naroon pa rin sila sa pinag-iwanan kong pwesto, mukhang kanina pa nagkakasiyahan.

Hindi na ako nagtangkang lumapit dahil alam kong bawal ang cards sa school. Baka mamaya mahuli sila at madamay pa ako.

"Okay!! Truth or dare!"

"Dare!!" sagot ni Sofia.

"Okay!! Hmm . . . Yakapin mo si Kiel!!" They cheered.

My brows raised as I watched Sofia's reaction.

Natigilan ang babae, namula ang pisngi, at pinandilatan ng mga mata si Erin na naglahad ng dare.

Okay. She likes Kiel.

Hinanap ng mga mata ko ang lalaki. Pero wala pala siya sa lounge.

Lumapit na ako sa grupo nang itago na nila ang cards para sa misyong hanapin si Kiel.

"I'm done with the script," sabi ko.

"Nakita mo ba si Kiel, Avien?"

"No."

I frowned when they ignored me and marched their way out of the lounge area.

Bumalik na lang ako ng room at doon nakita si Kiel. As usual, nasa tapat sila ng aircon magtotropa.

Lumapit ako sa kaniya para ipakita ang script.

"Meron kang kaunting line kasi mayroong extra role na dapat lalaki," I explained.

"Kiel!" My group suddenly barged into the room.

Hinablot ko kay Kiel ang papel ko para makaalis na sa eksena.

Nalaglag ang panga ko nang mapunit iyon. Naiwan sa kaniya ang kalahati.

"Hala. Sorry!"

Nainis ako dahil feeling ko sinadya niya.

"Akin na nga!" I grabbed the remaining papers from him.

Kunot ang noo niya pagkabawi ko ng mga papel. I noticed the annoyance in his face.

"K-Kiel, uh . . ."

I glanced at Sofia who appeared beside me. Tumabi ako para ayusin ang pagkakahawak sa mga papel.

"Dare lang . . . Sorry!" Sa peripheral vision ko ay kita ko ang pagyakap niya kay Kiel.

Nagtilian ang mga kaklase ko, nagtuksuhan.

I walked away, cringing.

* * *

July 17, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon