10.09.18 - Under His Sleeves

386 40 8
                                    

Under His Sleeves
10.09.18

TW: self-harm

"Okay, class, magrecess na kayo."

Natapos ang laro na kami ang panalo kaya satisfied ako. Nagyakapan pa ang grupo ko at nagtatatalon sa gitna ng court matapos ang tira na nakapagpanalo sa amin.

Kinuha nila ang mga gamit sa tabi ko at sabay-sabay pang lumabas ng court at dumiretso sa comfort room para siguro magpalit.

Lumiko ako papasok ng canteen para bumili ng mainit na kape dahil umuulan sa labas.

I carefully brought my hot coffee in the room.

Pagpasok naman ay ang gulo ng room. Nakatambay ang marami sa aircon, ang iba naglalaro pa rin, at ang iba ay nagrerecess na.

I flinched when something bumped into me. I spilled some liquid on my hand so I lost grip of the mug. Nabasag iyon sa sahig.

"Shit . . ." Napatingin ako kay Harvin na nakabangga ko. Napashake siya sa braso niya na natapunan din pala ng mainit na kape. I realized that I spilled the coffee more on him----on his arm. But not direct skin contact since he was wearing his jacket.

Nakita ko ang pagkalukot ng mukha niya.

Nanlaki ang mga mata ko, may naalala. Agad kong hinila pataas ang sleeves ng jacket niya para maibsan ang paso.

Natigilan ako at napaawang ang mga labi nang tuluyang makita ang braso niya.

Mabilis ang pangyayari. Bago pa ako makapag-angat ng tingin sa kaniya ay nabawi na niya ang braso at malakas akong naitulak.

"Ano ba!" he screamed as he pushed me.

Sa lakas noon ay tumama ako sa desk at sa taong kakalapit lang.

"Aw," daing ng natamaan ng ulo ko.

The noise completely died down; silence engulfed the room. I could feel everyone's eyes on us while my head remained angled down. Ramdam ko ang pagkabigla ng lahat.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko at umayos ng tayo bago nag-angat ng tingin kay Harvin.

I saw his face softened and a glint of regret appeared in his eyes; but he didn't say anything and just marched away. Nilampasan niya ako at bahagyang nasanggi pa.

Bago pa siya makalayo ay nahila na siya pabalik. Nagulat ako sa paghatak ni Kiel kay Harvin.

Agad kong sinubukang tanggalin ang pagkakahawak niya kay Harvin, nag-alala para sa braso nito.

Parehas silang napalingon sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Harvin ay umiwas siya at tinabing ang hawak ni Kiel bago nagpatuloy sa paglabas.

Nanatili ang mga mata ko sa pinto.

Iyong nakita ko sa braso niya last week . . . Akala ko mga sugat iyon . . . at may sakit siya sa balat . . .

Pero nang makita ko nang malapitan, narealize kong . . . mga laslas iyon . . .

Tumindig ang balahibo ko.

"Avien?"

"H-Ha?" Napabaling ako sa nagsalita.

Naiwan ang tingin sa akin ni Kiel. ". . . Okay ka lang?"

Doon ko lang naalala na may paso rin pala ako. Dinala ko iyon sa mga labi. Naramdaman ko rin ang sakit ng tagiliran ko.

* * *

July 19, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon