09.11.18 - Tears of the Unknown

494 40 5
                                    

Tears of the Unknown
09.11.18

"Tapos na?" gulat na tanong ni Kirsten nang i-abot ko sa kanila ang parts nila.

"Yes," I said with pride.

I watched Kiel skim through the papers. His eyes lifted at me. My brow arched.

He looked away, napa-iling na lang.

"Ayan na mismo ang script ninyo. You just have to memorize that kasi basically, naeexplain na riyan ang topics na nasa powerpoint presentation," I explained. "Nasaan pala si Harvin?"

They shrugged. Nilibot ko ang paningin. Nandito ang bag niya pero wala siya sa room.

Nilapag ko na lang sa desk niya ang papel at bumalik na sa sariling upuan dahil nakakaramdam ng pagpitik ng ulo.

Humiga ako sa desk at pinikit ang mga mata para mawala ang sakit ng ulo. Hindi ko namalayang naka-idlip ako.

Nagising na lang ako sa isang lagabog.

Naniningkit ang mga mata akong napabangon at lumingon sa direksyon ng ingay. I saw someone rushing inside the room. Binagsak ang pinto.

Napalingon ako sa paligid at ako na lang pala ang naiwan sa room.

Hinanap ng mga mata ko ang lalaki. Nakajacket siya, nakasuot ang hood.

Harvin.

Naroon na siya sa pwesto niya. Imbis sa upuan ay sa lapag siya umupo at nakayuko.

Tumayo ako at napakunot ang noo nang mapansing kinukurot niya ang sarili niya.

Lumapit ako at huminto sa tapat niya.

Hindi directly sa balat dahil sa sleeves ng jacket pero kita ko ang gigil mula sa pagkurot ni Harvin sa sariling mga braso.

"Hey . . . What are you doing?" hindi ko na napigilang magtanong.

But he ignored me.

"Hey?" I crouched down and completely sat in front of him to get a look on his face.

Nagulat ako nang mag-angat siya ng tingin. Kita ko ang pag-agos ng mga luha niya.

"You're crying . . ." I mumbled.

"Pakialam mo?!"

Nabigla ako. Agresibo niyang pinunasan ang mga luha gamit ang sleeves ng jacket kaya napaangat iyon.

Natigilan ako nang may mapansin.

"Ano?!" Humikbi siya.

Napatitig ako sa kaniya.

"Bakit ka umiiyak?" kalmadong tugon ko.

Pansin ko ang mabilis na paghinga niya.

"Are you okay . . ." naguguluhang tanong ko.

". . ."

Bigla siyang tumayo at nilampasan ako. He stormed out of the room.

My eyes remained at the door. Naiwan ang pag-i-isip ko sa kung anong nakita sa palapulsuhan niya.

* * *

July 18, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon