07.25.19 - When Will This End

251 34 0
                                    

When Will This End
07.25.19

I thought it would hurt. But it didn't hurt. Instead, I felt . . . uneasy. I felt something I couldn't name.

I thought I would move on from all those foreign feelings after letting go of the person who brought those. But instead, he was still all that I could think of.

Lahat ng ito ay dahil gusto niya rin pala ako!

That didn't even cross my mind! Sa sarili ko lang ako nakafocus, hindi ko naisip ang kaniya. Hindi ko naisip ang posibilidad na iyon!

Nothing was going the way I expected things to!

Parang domino effect na. Nasira ang plano ko, pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ang mga hindi ko inaasahan.

I should have just stick to my plan!

Kung tinuloy ko lang na itrigger si Kiel na magalit sa akin, he would have hated me enough to reject and dismiss me bad the moment I confess!

Pero nadala ako ng pagkakataon at tumaliwas sa plano!

Ngayong wala na sa moment, nakakapag-isip na ako nang matino at pinagsisisihan ang ginawa. Ang nangyaring iyon ay dala lang ng emosyon!

Hindi ko dapat siya inalo! I should have taken advantage of his pain and hurt him even more, enough for him to hate me!

Kung galit siya sa akin, hindi niya maiisip na may gusto rin siya sa akin!

Kung hindi ako umamin sa moment na 'yun, hindi ko maririnig na may gusto siya sa akin!

Edi hindi sana iyon ang laman ng isip ko araw-araw!

"Gusto kita, Avien Evangelista."

I frustratedly covered my face.

"Crush din kita."

Mas naging mahirap lang ngayon makalimot!

I felt so pathetic since Kiel was doing his part. Hindi niya talaga ako kinakausap, ni nilalapitan.

Pero ako, puro siya at siya lang ang nasa isip. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang usapan namin sa garden. Ang pagyakap ko sa kaniya, pagyakap niya sa akin.

Ang gulo-gulo na ng sarili ko. I completely lost control of my emotions and my thoughts.

At ngayon, pati gusto kong mangyari, hindi ko na rin sigurado. Hindi ko na alam.

*  *  *

August 7, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon