09.27.19 - Getting There

241 30 3
                                    

Getting There
09.27.19

"Paano kung sisihin nila na ako ang kumuha ng class fund?"

I thought it was a random panic attack. Turned out, it had a reason. He was worrying about getting blamed for our missing fund.

"B-Baka a-ako talaga ang kumuku---"

"Hindi ikaw 'yon. Hindi mo hinawakan 'yon."

"Paano mo na---"

"I just know. I believe in you, okay? Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ikaw 'yun."

Bumuntong-hininga siya at nakapikit na napasandal sa pader.

"Sorry . . ." Tinignan niya ako. "Nakita mo na naman . . ."

"I'm glad that I can be here for you."

". . ."

"Kaibigan mo 'ko. Hindi 'to abala sa 'kin."

Tumango siya at umiwas ng tingin.

"Okay ka na ba? Gusto mo ba ng tubig?"

Umiling siya. "Magpapahangin lang ako. Sige, bumalik ka na."

"You won't . . ."

". . ."

"Hindi na, 'di ba?"

Maliit siyang ngumiti at umiling. "Maglalakad-lakad lang ako."

I nodded and tapped his shoulder.

Tumayo na ako.

"Salamat," sambit niya bago pa ako makaalis.

He held out his loose fist up at me. Napangiti ako at nakipagfist bump sa kaniya. "You'll get there."

Pagbalik ko ng room ay tinanong nila ako about Harvin. Ang sabi ko ay okay na siya. I didn't spill the details and just reminded them na huwag magbago ang tingin o treatment kay Harvin dahil baka isarado niya ang sarili sa kanila.

"Ah . . . Kayo ba, beh?" someone genuinely asked.

Kunot-noo akong napailing.

Bumalik ako sa tabi ni Kiel. Nagsettle na ulit ang iba sa seats nila. The rest of the time ay pinaliwanag lang ang format na gagamitin namin para sa gagawin. Binigyan din kami ng examples. Pagkatapos ay naggrupo na kami.

Para raw mas makasama ni Harvin ang mga pamilyar na siya ay sa iisang grupo lang kaming magkakasection at Mental Health Awareness pubmat ang pinagawa sa amin.

Pero binigyan din kami ng creative freedom. Pwede rin daw kaming gumawa ng caricature, since Editorial Cartoonist ang pwesto ni Harvin, na may kinalaman sa Mental Health.

Bago sumakay sa sasakyan ni Kiel ay nakita ko si Harvin pasakay ng service niya. Tinawag ko siya at kumaway. Mahina siyang ngumiti at kumaway pabalik.

Pumasok na ako ng sasakyan.

"He's okay na, love," masayang balita ko kay Kiel.

"Kita ko nga."

"Hindi ka naman nagselos noh?"

Nilingon niya ako.

"Bakit hindi mo ako niyayakap?" pabirong sabi ko.

Agad siyang yumakap sa akin. I chuckled and hugged him back.

"Ang daya mo talaga," he murmured.

"Hm?"

Kumalas siya ng yakap para masamaan ako ng tingin. Nalaglag ang panga ko, at the same time ay natawa, amused.

"Wow. What's with the attitude?"

"Date mo 'ko," he demanded.

"Anong gusto ng baby ko?" I meant it sarcastically but he blushed so it made me laugh.

Naiirap siyang umiwas ng tingin sa akin at dinial na ang number ni Kuya Rey. Nahihiya na nga ako kay Kuya dahil palaging pinag-a-alone time nito ni Kiel para kaming dalawa lang sa sasakyan.

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Hindi nga, let's date. Saan tayo?"

"Japan, ano," hamon niya.

Napairap ako. He's sulky.

"Kiel, he was having panic attacks," I told him.

"Alam ko," he sighed. "Hindi ako nagseselos. Kahit i-CPR mo pa siya."

"Halika, magbreathing technique din tayo." I shifted from my seat and held both his hands. "Breathe in . . . Breathe out . . ."

Nangingiti siyang napaiwas ng tingin. I chuckled and leaned over him. Inabot ko ang mga labi niya para mapatakan ng halik.

Nagtama ang tingin namin. Nangingiti akong humiwalay.

"Kasama ba 'yun sa breathing technique niyo?" he accused.

I frowned at him. He chuckled and it was his turn to plant soft kisses on my lips.

"I love you," I murmured.

Huminto siya at nagkatinginan kami. He looked at me with weak eyes. He sighed, defeated, as he embraced me in his warm hug. "Wala, talo."

* * *

August 16, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon