11.07.19 - Busted

148 3 0
                                    

Busted
11.07.19

"Bye, guys!" Nagpaalamanan na kami.

Mayroong mga nagpaiwan sa SM, ayaw pang umuwi. Pero kami nina Kiel ay mauuna na.

Kumaway ako sa mga nakasabay namin nang makapasok sa cab. Kami nina Harvin at Kiel ang magkakasabay. Magcocommute na lang daw si Harv dahil nauna na ang service niya. Iisa ang direksyon namin kaya kasabay ko. Si Kiel naman ay ihahatid ako.

Nasa pinakadulo ako ng cab habang katabi si Kiel na katabi si Harvin.

"'Yung stuffed toy baka itapon mo lang, Harv, ha." Sinilip ko si Harvin, naalala ang nakuha namin.

"'Di ah. Pwede pang basahan."

I frowned at him. He grinned, satisfied.

"Ikaw?" I looked up at Kiel.

"Ba't ko itatapon si Jessica?"

"Huh?"

"Tanginuh. . ." Natawa si Harvin.

"Yung carrot. Pinangalanan kong Jessica."

"Babae siya?" tanong ko.

"Oo."

"Bakit babae?"

Nagtagal ang tingin sa akin ni Kiel. "Finally, magseselos ka na ba?"

Napaayos ako ng upo at natawa.

"Amp. Seselos na lang, sa gulay pa. Ano ba 'ko sa 'yo, joke?"

Natawa kami ni Harvin.

"Bakit naman kasi pangalan ng tao," I chuckled. Kung ano-ano talagang naiisip nito eh.

"Yung kay Harvin nga si Ranz Kyle."

"Huh?" tugon ko.

Tumawa si Kiel.

Sinilip ko si Harvin dahil hindi ko nagets ang reference. Mukhang hindi niya rin nagets pero tawang-tawa si Kiel. Napansin ko pang nakikinig pala iyong dalawang estudyante rin na katapat namin at ngayon ay nagpipigil ng tawa sa isa't-isa.

Natatawa na lang din tuloy ako. Si Harvin ay napapailing na lang. "Mga baliw."

"Bye, Harv! Ingat ka!" paalam namin bago bumaba ng cab. Madilim na pala.

"Ingat kayo," bilin niya rin.

Kumaway kami nang makababa. I smiled when he waved back.

"Nag-enjoy ka?" tanong ni Kiel habang kinukuha ang backpack ko.

"Super."

He smiled and held my hand. We were swaying our entwined hands as we walked in our subdivision.

Tahimik lang kami at naririnig namin ang kaunting kuliglig. I felt so in peace and safe.

Ang gaan talaga ng lahat kapag siya ang kasama ko. Kahit mayroon kaming mga hindi pagkakaunawaan at problema sa isa't-isa, kapag magkasama kami, parang lahat okay. Ang gaan-gaan.

They say that love is complicated but with Kiel, everything seems so easy. Siya ang living reminder ko na masarap ang pagmamahal. Masarap palang ma-inlove.

Nang umihip ang malamig na hangin ay binalot niya ng kaniyang braso ang balikat ko.

"Hindi ka ba nabibigatan?" I checked on him. Alam ko kasing may kabigatan ang bag ko.

"Bigat nga. Parang kailangan ko ng kiss."

"Akin na," sambit ko.

He grinned and leaned down.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon