“ It's been a week, Kuya...I'm trying my best to let you go, pero ang hirap talaga e.”
Sinindihan ko ang puntod ni Kuya at isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko.
Isa 'yong basket na may pitong letters.
Nang tignan ko ang pangalan na nakasulat dito'y napangiti ako ng k'unti.
“ Love, Chanti.”
Today is Leo's Birthday Celebration. Late celebration na nga lang dahil sa mga nangyari. But we still want to give him the best birthday, tulad ng gustong mangyari noon ni Kuya bago man siya mawala.
“ Dawn..” napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Tania.
Agad ko siyang niyakap, “ Sasama ka?” nakangiti kong tanong sakaniya.
“ Oum. Sasama kami...”
Napatingin ako sa likod niya nang makita ko sina Kiel, Paul, at Cedrick sa likod niya.
“ Big and tight hugs for you, Dawn!” ani ni Cedrick kaya lumapit silang lahat sa'kin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
“ Maraming salamat.”
“ Senior, pasensya na kung ngayon lang kami nakabisita ah? H'wag kang magtampo, kami na ang magsisilbing mga Ninong ni Leo. Di ba, mga par?”
“ Yup. At kami na rin ang magsisilbing protector ni Dawn.”
Napatingin naman ang dalawa kay Kiel at mukhang may hinihintay rin silang sabihin si Kiel.
“ U-uhmm... H-hello po, wala pa ho akong masyadong maipapangako, pero handa rin akong maging Ninong ni Leo.” ani nito't napakamot pa sa kaniyang batok.
“ Yun oh! Halina kayo, dahil bibili pa tayo ng mga regalo.”
“ Nasa'n si Haruto?”
“ Uhm...m-may inaasikaso lang. But he told us na susunod siya. Bakit? Miss mo agad?”
“ Ewan ko sa'yo, Paul. Nagtatanong lang.”
“ Kayo na pero ayaw mo man lang i- admit na na mimiss mo siya.”
“ Magkasama pa lang kami no'ng nakaraang araw e. Nga pala, si...si Hendrix, nasaan?”
Nagkatinginan naman silang lahat.
“ May inaasikaso lang din. But, I'm sure pupunta rin 'yon dito. Pamangkin ng—” agad na binatuk@n ni Paul si Cedrick kaya hindi na nito natuloy pa ang kaniyang sasabihin.
“ Hehe, basta, susunod na lang 'yon. Di naman 'yon papahuli. Bida-bida ba naman lagi.”
Sumakay kami sa iisang van, at si Cedrick ang driver. Nasa front seat ako habang yung tatlo naman ay nasa likod.
“ Iniitan ka ba, Bella? Par, pwedeng paki-buksan ng bintana?” request ni Kiel kaya binuksan naman ni Cedrick ang bintana.
“ Dude, pumapasok ang usok. Close the door, Ced. Wear my jacket instead, Tania.”
“ Iniinitan nga siya 'di ba? Open the door.”
“ Close the door.”
“ Open.”
“ Close.”
“ Open.”
“ Close.”
“ Open.”
“ T*ngina! Kakabili ko lang ng van na 'to! Ano ba talaga, Tania? Mainit ba o malamig?”
“ M-mainit..pero mausok din kasi sa labas. Pakilakasan na lang ng aircon.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
