CHAPTER 70

287 11 0
                                        

I had an early wake-up call today since our meeting’s at 6:00 AM. So, I was already awake around 5:00 AM to prepare the clothes that I’ll wear.

Mrs. Brown just sent a message this morning that the meeting has been rescheduled. Luckily, I woke up early. Dahil kung hindi, malalagot na naman kaming dalawa ni Ray.

“ Ray....Ray, wake up...” sinubukan kong yugyugin siya, subalit nang hawakan ko ang braso niya ay unti na lang ay mapapaso na ako.

He’s sick...

After waking up, I turned off the aircon and fixed his blanket.

Tahimik lang din akong nagluto sa baba dahil ayoko namang maistorbo pa ang tulog nila.

Nagluto na rin ako ng sabaw para kay Ray.

“ Oh, anak? Napaaga ka ata? Hindi ba’t linggo pa lang ngayon?”

“ May meeting ho kami ngayong umaga e. Ah...Pa.”

“ Ano ’yon, Princess?”

“ Pwede ho bang paki-tignan si Ray mamaya? Mataas po kasi ang lagnat niya at hindi ko alam kung anong oras na ako makakabalik.”

“ Oo naman, anak. Parang anak na rin naman ang turing namin sakaniya. Uminom na ba siya ng gamot?”

“ Hindi pa ho e. Kanina ko lang din napansin na nilalagnat siya kaya pinagluto ko na rin ho siya ng sabaw.”

“ Ikaw, h’wag mo ring inaabuso ang katawan mo. Lalo pa’t hindi ka na sanay sa panahon rito sa Pilipinas.

“ Opo, Pa. Hatid ko lang po ’to sa taas. Kumain na rin ho kayo ng agahan.”

Pagkaakyat ko sa taas ay ipinatong ko muna sa lamesa ang trau at muli siyang niyugyog.

“ Ray, kain ka na nang maka-inom ka na ng gamot...Ray...”

“ M-madam? Aalis tayo?”

“ Ako na lang muna. Mataas ang lagnat mo, hindi mo pwedeng pilitin ang sarili mong sumama dahil baka trangkaso na ang abutin mo. Kumain ka muna at uminom ng gamot nang sa gano’n ay tuloy-tuloy na ang pahinga mo.”

“ Sure ka, Madam? Baka—”

“ I’m sure, Ray. Ako na ang bahala. Magpahinga ka muna.”

I showered, did my make-up, before putting on my clothes. But even though I always do this...why do I feel like I shouldn’t be doing it?

“ Talaga naman, Madam. Ang taray...bakit parang iba ata ang glow mo ngayon?” .

“ H'wag mo’kong simulan sa mga ganiyan mo, Ray. Just rest. Alin ba ang mas mabango? This one or this one?” tanong ko sakaniya at ipinakita ang dalawang pabango.

I’m comparing perfumes, and one has a sweet scent, while the other’s fragrance is more balanced.

“ The black one, Madam. Nakakaumay din kasi minsan ang amoy ng mga matatamis na pabango.”

“ Really?”

He nodded, “ Hindi mo talaga pinaghahandaan ang araw na ’to, Madam, ’no?”

“ What do you mean? Of course not! Normal lang naman na meeting ’to tulad ng ginagawa natin sa L.A.”

“ Normal nga....sobrang normal.”

“ I know what you’re thinking, Ray.”

“ Feeling ko tadhana na rin ang pagkakaroon ko ng lagnat ngayon nang magkaroon man lang kayo ng sweet moments. Kapag kasama mo ako lagi ka na lang nagmamadali e.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now