After that night, I don’t feel his presence anymore. He’s there, but he’s not...
Pag open ko ng phone ko ay sunod- sunod ang messages na nag popped up galing kay Haruto.
“ I’m sorry.”
“ Let’s talk, baby.”
“ Ayoko ng gan’to, please?”
“ Let’s fix our problem. I promise I’ll listen.”
5: 36
“ Good morning, baby! I’m so sorry, again. I promise it won’t happen again. I know you’re mad, sulking, maybe? I can feel it.”
“ Don’t skip your meals. I love you always and always.”
Mabigat pa rin ang nararamdaman ko kaya hindi ko muna ’yon nireplyan.
Bumaba ako ng kwarto at pumunta sa kusina dala-dala ang laptop ko.
“ Oh, ’nak? Napaaga ata ang gising mo? Linggo ngayon ah?” tanong ni Papa at lumapit siya sa’kin upang halikan ang aking noo.
“ May tatapusin lang po. Lapit na graduation e, kailangan ko nang mag comply habang maaga pa.”
“ Ang sipag naman ng Prinsesa namin. Oh siya, ipagtitimpla na muna kita ng gatas.”
“ Thank you po, Papa.”
Thesis and Reports ang kailangan kong gawin ngayon. Ayoko nang magpatumpik-tumpik pa at ayoko rin munang lumabas ng bahay ngayong araw. In-off ko ang cellphone ko at ni-log out lahat ng social media accounts ko para mas makapag- focus ako.
I really need to finish this bago pa man dumating ang examination. It’s an individual Thesis kaya mas kailangan ko talagang paglaanan ’to ng oras.
“ Here’s your milk, Princess. Don‘t pressure yourself too much, okay?”
“ Oum. Thank you, Pa.”
“ Aalis pala kami ngayon ng Mama mo. Alumni namin bukas, pipili kami ng maisusuot.”
“ Sige po.”
“ Kumusta na nga pala kayo ni Haruto? Matagal na rin mula no’ng pumunta siya rito.”
“ M-maayos naman po. Naging abala na kasi ho kami kaya hindi na ho kami gaanong nagkakasama. Both of us are graduating students. I have my responsibilities, he has his own.”
“ I know, I know. Nabalitaan ko nga rin na sasali siya sa MotoGP. Hindi pa nga lang sigurado, but I’m sure that he’ll nail it.”
Ngumiti na lang ako dahil maging ako’y hindi ko alam ang sasabihin. Masama ba kung hihingi ako ng payo from my own parents?
Habang nagluluto si Papa ng agahan ay kinuha ko na ang opportunity na magtanong sakaniya.
“ Pa..”
“ Yes, ’nak?”
“ Dumating na ho ba kayo sa puntong nawawalan na kayo ng gana? Interest? Pagmamahal?”
“ Saan?”
“ N-na mahalin si Mama?”
Tinignan niya naman ako at nagsalubong ang kaniyang kilay.
“ Sigurado ka bang wala kayong problema ni Haruto?”
“ Wala ho. Tinatanong lang din ho kasi ako ng kaibigan ko, hindi ko alam ang isasagot kaya naisipan kong sa’yo na lang po magtanong since ilang years na kayong kasal ni Mama.”
“ Sigurado ka diyan?”
“ Opo.”
“ Hmm.. Well, kahit kailan ay hindi ko ’yon nadama. When she walked in the aisle, sa isip ko kinakausap ko na ang Diyos. Gumagawa na ako ng vows sa ko sa isipan ko. I know it sounds weird, but I made sure na hindi lang ako basta-basta nangako, ’nak. I committed to the never ending promises. Yang pagkawala ng gana, interest, pagmamahal, at kung ano pa man na dahilan para iwan mo ang isang babaeng minahal at pinangakuan mo, lahat ng ’yon ay hindi sapat. Because first of all, bakit ka papasok sa buhay ng isang taong sobrang saya no’ng wala ka pa kung iiwan mo lang din naman siya ng luhaan? She was fixed before you came into her life, so never leave her broken. You should make her happier, make her feel loved not just once but always. Loving the person you love isn’t an obligation, it’s a responsibility. Loving someone is not just something you have to do, but something you cherish and hold close.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
