5 years later....
It’s been a long time since I saw your face, but I can still paint it perfectly— every feature is etched in my mind.
“ Hey, wala kang pasok ngayon?” tanong ni Gilbert na kakagising lang.
“ Wala e, day off ko ngayon, remember?”
“ Yeah, I forgot. I’ll go ahead, may meeting pa ako ngayon...and...medyo ma-la-late ako ng uwi, ’cause you know...”
Nako, pumapag-ibig na nga siya!
“ Oo na, oo na. Enjoy! Saan ka ba matutulog?”
“ Sa condo ko na lang siguro, so you better make sure you’ll lock the doors. Malalagot ako kina Tita kapag may masamang mangyari sa’yo.”
Napangisi na lang ako sa sagot niya, “ I can fight, Gil.”
“Oo nga ’no? Nakalimutan ko kung pa’no mo b@lian ng buto ’yong guard na nambastos sa employee. It’s seven o’clock in the morning, but you ate!”
“ I know right...” usal ko’t nag flipped hair pa.
“ Pa’no ba ’yan, I’ll go ahead na. By the way, your art looks so good, though. Keep it up!”
Muli ko namang ibinaling ang tingin ko sa painting ko...
“ Of course, he’s a masterpiece...”
Wala na akong picture sakaniya dahil nasira ’yon 2 years ago...ni hindi ko man lang kasi naisipang bumili ng memory card, at sobrang malas ko pa kasi hindi ko rin naisulat ang numbers nina Tania at Chant. Ngayon...hindi ko na tuloy alam kung kumusta na siya...
𝘍𝘓𝘈𝘚𝘏𝘉𝘈𝘊𝘒:
3 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘢𝘨𝘰...
“ 𝘏𝘰𝘸 𝘪𝘴 𝘩𝘦?”
“ 𝘎𝘪𝘳𝘭...𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘯𝘦𝘴𝘵 𝘴𝘢’𝘺𝘰...𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘰’𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘬𝘢’𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘶𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘱𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘷𝘪𝘴𝘪𝘵𝘰𝘳𝘴— 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘏𝘦𝘯𝘥𝘳𝘪𝘹 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘶𝘵𝘰. 𝘈-𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘪𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢’𝘺𝘰...𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨- 𝘢𝘴𝘢.”
That’s why I always paint his face...nang sa gano’n ay hindi ko man lang makalimutan ang mukha niya.
Tanging number lang nina Mama ang meron ako dahil naka-save ’yon sa cellphone ni Gilbert. Ilang beses ko na rin silang pinakiusapan na h’wag kalimutang kunin ang number nina Tania at Chant kapag napadaan sila sa bahay, pero ewan, mukhang nakakaligtaan na lang nila lagi.
I miss my best friends so much. Baka ang iniisip nila’y sobrang busy ko na— o ’di kaya’y umalis lang ako ay kinalimutan ko na sila.
Hay! Nakakm*tay naman mag overthink!
*Ding, dong!
Iniwan ko muna saglit ang painting at tumungo sa pinto upang tignan kung sino ang tao sa labas.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
