CHAPTER 76

342 13 0
                                        

Bumalik kami sa loob at pagkapasok ko ay napahinto ako nang makita kong nasa iisang table lang silang lahat, at kasama doon sila Megan at Leighton.

“ Girl! Halika! Ikaw na lang ang kulang dito.” pumaypay pa si Chantrea kaya lumapit na ako.

Napalunok ako ng laway bago tumabi kay Leighton at nasa harap lang namin ngayon si Haruto.

“ Here’s the drinks!” saad ni Tania at inilapag ang  mga bote ng alak sa table.

“ Tig-iisang bottle na dapat tayo kasi we’re all adults na at hindi na rin naman tayo students. Kaya na ba?”

“ Oo naman! G!” sagot ng apat habang sila Leighton at Haruto ay nanatiling tahimik lang.

“ Can you drink that much?” tanong ni Leighton.

“ Yeah. O-of course...”

“ Slow down on the drinks. If you can’t handle it anymore, just give it to me, so you can rest upstairs.”

I just nodded and gave him a faint smile.

“ Ikaw, ’ling...h’wag mag lasing masyado.” paalala ni Drix kay Chant.

“ Uubusin mo rin ba ang drinks ko?”

“ Oo naman, darling ko.”

“ Tania, don’t drink too much.”

“ It's just a drink, Paul. I can handle this.”

“ T*ngina, para saan pa ’yong sinabi ni Chant kanina na adults na tayo kaya hindi na natin kailangan pang ipag-alala ’yan?”

“ Bitter ka na naman, Ced. Uminom ka na lang. Tignan mo si Haruto, tahimik lang.”

“ Talagang tatahimik ’yan. Kailan ba umimik ’yan sa inuman?”

Nagtawanan naman silang lahat.

Tahimik lang talaga siya habang umiinom.

“ Guys, English speaking tayo ngayon. Leighton and Megan are with us!”

“ By the way! Welcome to the Philippines, Leighton and Megan!”

“ Thanks, Tania!”

“ Thanks.”

“ Has Dawn shown you around this place?”

“ Not yet. She’s been very busy these past few days and we understand that. Right, Megan?”

“ Yeah. So I guess we’ll just have to wait for her day off.”

“ That’s exactly what I was going to say. I have a day off tomorrow, and the weekend’s right after, so I’ll join them for a little trip.”

” Just the three of you? I have a day off tomorrow too. I wanna come! Can I join?”

“ Sure! We’d love to, Tania!” sagot ni Megan.

“ How about you, guys? C’mon! The more the merrier! Chant? Drix? Ced? Paul? Haruto?”

“ Gustohin man namin, pero wala kaming mapag-iiwan kay baby Harri. Right, ’ling?”

“ Yup! At ayaw rin naming ipagkatiwala ang anak  namin sa iba. Hindi rin namin hiya pwedeng isama, since Harri has sensitive skin at hindi pa rin siya sanay sa mga byahe kaya mas nagiging maingat kami sa baby,” dagdag pa ni Drix.

“ Sayang naman. Ikaw, Ced?”

“ Of course, I’ll try! Either sasabay ako sainyo or hahabol na lang. May fan meeting bukas.”

“ Naks! Iba rin talaga e ’no? Magpaap-signature na talaga ako sa album mo na binili ko.”

“ Anytime, Tania. Alam ko namang proud na proud ka na kaibigan mo ang isang Cedrick Hanz Adrada.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now