CHAPTER 60

341 10 0
                                        

I want you back...but I can’t choose you this time.

“ Ma, hindi ka ho ba sasama umuwi? Alam kong pagod ka ho—”

“ Iwan mo na ako rito, ’nak. Kaya ko pa.” aniya’t pilit na ngumiti.

“ Ma, kahapon ka pa ho rito.”

“ Mauna ka na. Pupunta rin naman dito ang Tita Susan mo. Ikaw ang dapat magpahinga...kahapon ka pang walang pahinga,  anak.”

“ Tawagan niyo lang ho ako...babalik din ho ako rito mamaya.”

Niyakap si Mama bago lumabas ng kwarto.

Napaupo na lang ako sa gilid at humagulhol...

Bakit gan’to na lang kami kung pahirapan? No’ng una’y wala man lang kaming nagawa para maisalba ang buhay ni Kuya....pilit pa lang kaming bumabangon tapos si Papa naman...

Pero saan kami kukuha ng gano’ng kalaking pera? Kulang na lang ay isangla namin lupa para may maipambayad kami sa surgery ni Papa.

_**_

Umuwi ako ng bahay at naabutan ko naman doon si Tiya Susan na nagluluto na ng tanghalian.

“ Mano po, Tiya...”

“ Gumising na ba si Kuya?”

Umiling ako, “ H-hindi pa ho.”

“ A-ano raw ang sakit ng Kuya?”

“ R-rheumatic heart disease po...at operasyon na lang ho ang pag-asa niya p-para gumaling. Pero may kamahalan ho ang surgery. Aabot ng kalahati o isang milyon.”

“ Oh Diyos ko!” agad ko namang inalalayan si Tiya nang manghina siya.

“ S-saan na lang tayo pupulot ng gano’ng kalaking pera, hija?”

“ G-gagawa ho ako ng paraan.”

Tumingin sa’kin si Tiya, “ S-sobrang aga pa para saluhin mo ang obligasyon...”

“ Responsibilidad ko ho ’yon, Tiya...gagawin ko ho ang lahat para gumaling si Papa.”

Umakyat ako ng kwarto at inayos ang mga gamit ko.

* Ting, ting!

Kinuha ko ang cellphone ko’t agad namang chineck kung sino ang nag message.

“ Girl, what happened to Tito?”— Chant

“ Pupunta kami mamaya diyan sa Hospital ni Chant. Please take care of yourself too, Dawn.”— Tania.

“ Hey, mind if I pick you up later?”— Haruto

“ Hope, how’s Tito? And where are you? Gusto sana kitang makausap.” — Gilbert.

“ Nasa bahay.”

reply sent.

_**_

“ Kumusta si Tito?”

“ He needs surgery, Gil. A-and we don’t know what to do anymore.”

Hinawakan niya ang kamay ko, “ We can help.”

“ Hindi ko kayang iwan si Papa.”

“ Hindi ’yon ang tinutukoy ko, Hope. Tutulungan namin kayo dahil gusto namin at ayaw naming humingi ng kapalit. Parang iisang pamilya na rin naman ang pamilya natin. Sino pa nga ba ang magtutulungan kun’di tayo-tayo lang din naman.”

“ Kalahating milyon o mag-iisang milyon ang halaga, Gil. Habang buhay akong hindi mapapakali kung hindi ko man lang masusuklian ang ginawa niyo.”

“ Wala kaming hinihinging kapalit, Hope.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now