CHAPTER 41

536 21 2
                                        

“ P-po? A-ano pong nangyari, Ma?!”

Dali- dali akong bumaba at sumakay ng taxi, hindi ko na nagawa pang magpaalam kina Chantrea sa sobrang kaba na ng nararamdaman ko.

Nagsisipatakan na ang mga luha ko subalit hindi ko na 'yon magawang punasan pa sa sobrang pag- aalala.

“ P-pakibilisan ho, Manong... importante lang ho talaga.”

“ Isang

Subalit, banda papunta sa airport ay sobrang traffic talaga.

“ H-hindi pa ho ba tayo makakausog?”

“ Hindi ho pwede, Ma'am e. Masyadong delikadong mag- overtake rito dahil malaking sasakyan ang nasa unahan natin.

“Breaking news! Isang ferry ship  tumaob dahil sa matinding high tide. Narito ang detalye.”

“Ayon sa ulat mula sa Philippine Coast Guard, isang ferry ship ang tumagos sa tubig at tumumba sa kahabaan ng pier matapos mahagis ng malakas na alon dahil sa high tide kani-kanina lamang  sa Puerto Princesa.”

“Sa pinakahuling ulat, ilang lamang ang nakaligtas. Labing-apat ang nasa kritikal na kalagayan at walo ang nahanap na bangkay. Ang mga awtoridad ay patuloy na hinahanap ang iba pang bilang ng pasahero.”

Ang mga bumubuong luha sa mga mata ko'y tuluyan nang nagsipatakan at maging ang buong katawan ko'y nanginginig na sa kaba at takot.

“ B-bababa na l-lang ho ako.”

“ Pero, Ma'am delikado ho—”

“ Ito ho ang bayad.” ani ko't tuluyan nang lumabas ng kotse.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, at nanginginig pa rin habang dina-dial ang number ni Gilbert.

“ Hello, Dawn?”

“ G-gilbert...k-kailangan ko ang tulong mo.”

“ Why? May nangyari ba? Nasa'n ka?”

“ N-nasa w-waiting shed ako. M-malapit sa coffee shop, s-sa may tapat ng park.”

Umupo ako subalit tumayo rin dahil hindi na ako mapakali.

Ilang beses ko na ring tinatawagan sina Mama pero hindi sila sumasagot.

*Beep!

Napalingon ako nang marinig ko ang pagbusena ng kotse ni Gilbert.

Agad siyang bumaba at niyakap ako.

“ W-what happened? May n-nanakit ba sa'yo?”

“ S-si Kuya...k-kailangan natin siyang puntahan sa hospital ngayon.”

“ Let's go.” aniya't hinawakan ang kamay ko.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital kung saan dinala ang mga pasaherong nalunod.

Pagkarating namin ay agad akong bumaba at pumasok sa loob.

“ S-saan ho ang kwarto ng mga nalunod kanina sa P-puerto Princesa?”

“ Room 346 po, Ma'am.”

Agad kong hinanap ang kwarto at nang mahanap ko na ito'y maririnig mo na agad ang hagulhol ng mga pamilya ng mga pasahero.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin, at para bang nasa isang sulok ako ng kwartong walang matatakasan.

“ N-nak...” napalingon ako nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Mama.

“ M-ma...S-si Kuya po? K-kumusta po siya? N-nasa'n si Kuya, Ma? A-ayos lang naman siya 'd-di ba? K-kasama p-pa rin siya nina L-leo...'di ba, M-ma?”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now