Half day lang kami ngayong araw kaya mamayang hapon ay tatapusin ko na ang Thesis at Report.
“ Nak, mauna na kami ng Papa mo.”
“ Ang aga naman po ata?”
“ Malayo ang reception e, kaya kailangan naming pumunta do’n ng maaga. Kumain ka na rin diyan ng agahan, ipinagluto na rin kita.”
“ Sige po. Ingat kayo, Ma, Pa!”
“ Mag- iingat ka rin. Isara mo lahat ng pinto, okay? H’wag nang lumabas kapag malalim na ang gabi.”
“ Opo, Papa.”
“ Goodbye, Princess.” usal ni Papa at hinalikan ako sa noo bago sila umalis.
Alas singko pa lang naman at alas otso pa naman ang pasok ko pero kumain na ako ng agahan para mamaya ay maliligo na lang ako.
Habang kumakain ako’y biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko naman itong tinignan.
Haruto: Good morning, baby! l’ll pick you up this afternoon if you’re free.
Magrereply na sana ako subalit sakto naman ay nag message rin sa gc si Chantrea.
Chant: Girls! Let’s hang out tonight! Wala naman tayong pasok bukas, right?
Tania: Hang out or magwawalwal tayo?
Chant: ehe, parang gano’n na nga.
Dawn: Saan ba?
Chant: of course at the bar. Sa favorite na favorite nating bar.
Tania: Galang gala ka ngayon. Nagpaalam ka man lang ba kay Hendrix?
Chant: kailangan niya pa bang malaman?
Tania: Lagot ka talaga kay Hendrix. Ikaw, Dawn?
Dawn: G ako. Pero hindi gano’n katagal.
Chant: See ya tonight, girls!
Muli akong bumalik sa inbox ni Haruto.
Dawn: May lakad kami ngayon ng girls e. Tawagan na lang kita kung sakali mang maaga kaming matapos.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa taas para maligo. Pwede ko pang magamit ang isang oras para matapos ang ginagawa kong report.
𝙃𝘼𝙍𝙐𝙏𝙊’𝙎 𝙋𝙊𝙑:
Dawn sent you a message
Dawn: May lakad kami ngayon ng girls e. Tawagan na lang kita kung sakali mang maaga kaming matapos.
“ Ano, man? Nag reply na ba?”
“ Yeah, she told me na may lakad sila.”
“ Sila?”
“ Nina Chant, I guess? Hindi niya ba sinabi sa’yo?”
He shook his head, “ Does she have to?”
“ Of course, she’s your girl.”
He sighed, “ W-we fought...last night. And our fight didn’t end well. I-I mean, I’m trying to fix it, but she walked out.”
“ Malala ba?”
“ Yeah. Matagal na mula no’ng nag-away kami sa bagay na ’yon. At pinag-aawayan pa rin namin hanggang ngayon.”
“ Why can’t you talk about it calmly?”
“ We’re both short-tempered. I‘ve swallowed my pride several times—na dapat naman. Maybe I should give her some space. I think that’s what we need.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
