Kasalukuyan ko nang inaayos ang mga gamit ni Kuya sa kwarto. Sa pagkakaalam ko't pagkakakilala sakaniya'y lagi niyang iniiwang magulo ang kwarto niya. Subalit nanibago ako pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. Wala ni isang kalat do'n. Naka- tanggal din ang plugs ng computer niya, nakasabit ang mga gitara, at maayos na nakatupi ang kaniyang kumot.
Nang tumingin ako sa taas ay isang litrato ang nakakuha ng aking atensyon.
“ Family Villanueva” ang nakasulat sa picture frame na 'yon kung saan kasama niya sina Chantelle at Leo. At nang tignan ko pa 'yon ng masinsinan ay merong maliit na sulat ang nalagay sa taas....
And it was “ Future....Family Villanueva...”
My heart shattered into pieces, he dreamt of building his own family...pero nagsisimula pa lamang siya'y ipinagkait na 'yon ng tadhana.
Mahihinang hagulhol ko lamang ang naririnig ko sa bawat sulok ng kwarto, na hindi ko alam kung kailan titigil.
Kinuha ko ang cellphone ko't samu't- saring posts ang bumungad sa'kin.
“ Rest in paradise, our beloved Lindon Sean Villanueva.”
“ It's too early for you to leave in this world. Farewell, Lindon Sean Villanueva.”
“ Nakakabigla, at sobrang bilis ng pangyayari. May you rest in peace, our beloved Dondon.”
I expected na makakatanggap ako ng message o 'di kaya'y tawag man lang kay Haruto, pero baka nasa byahe pa rin siya....at baka maistorbo ko ang pahinga niya.
I saw a CD at merong nakasulat dito na “ Best part of my life.”
I played it...
“ 𝘋𝘢𝘸𝘯𝘺𝘢! 𝘐𝘵'𝘴 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘵 𝘶𝘱! 𝘔𝘢, 𝘗𝘢! 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰! 𝘠𝘰𝘩𝘰𝘰𝘰!”
” 𝘌𝘩𝘦𝘮! 𝘚𝘰 𝘵𝘰𝘥𝘢𝘺 𝘪𝘴 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵𝘮𝘢𝘴 𝘥𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘵'𝘴 𝘮𝘢𝘩 𝘣𝘪𝘳𝘵𝘩𝘥𝘢𝘺! 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘎𝘰𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘭𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦 𝘭𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘭𝘰𝘯𝘨... 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘮𝘺 𝘭𝘪𝘧𝘦!”
“ 𝘒𝘶𝘺𝘢! 𝘚𝘩𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘮𝘰𝘶𝘵𝘩! 𝘕𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘱𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘰𝘩!” rinig kong usal ko sa video.
“ 𝘏𝘈𝘏𝘈! 𝘛𝘢𝘰 𝘬𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢? 𝘈𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰— 𝘰𝘶𝘤𝘩!” hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang batuhin siya ng tsinelas.
“ 𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘉𝘪𝘳𝘵𝘩𝘥𝘢𝘺, 𝘒𝘶𝘺𝘢!” ani ko.
“ 𝘈𝘺𝘰𝘴 '𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘩? 𝘔𝘶𝘬𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰 𝘮𝘰 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯.”
“ 𝘏𝘦𝘩𝘦.. 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯. 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶!” malambing kong usal at hinalikan siya sa pisnge.
“ 𝘞𝘢𝘪𝘵! 𝘞𝘢𝘪𝘵! 𝘚𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘧𝘢𝘯𝘴 𝘬𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘴𝘩 𝘮𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘒𝘶𝘺𝘢.”
“ 𝘜𝘩𝘮𝘮...𝘴𝘢𝘯𝘢...𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘨𝘭𝘦 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳.” saad ko't agad na tumakbo.
“ 𝘏𝘰𝘺! 𝘉𝘢𝘸𝘪𝘪𝘯 𝘮𝘰 '𝘺𝘰𝘯! 𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 '𝘯𝘰!”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
