Nag-iimpake na kami ngayon dahil ngayon ang flight namin papuntang Japan.
Good for one week na lang din ang dinala kong damit ’cause I suggested na sa Pinas kami mag New Year dahil malulungkot ’yon si Kuya.
Kasalukuyan akong nag-aayos nang makita kong muli ang box na pinaglagyan ko ng bracelet.
It’s been a long time since I wore this precious bracelet.
Muli ko itong binuksan at kinuha ang bracelet na hindi man lang kumupas.
I still wonder kung ano ang ibig sabihin ng nasa bracelet na ito.
But Haruto wouldn't put this if it didn’t have a deep meaning.
Lumapat din ang tingin ko sa necklace kung saan naroroon din ang singsing na ibinigay niya.
Seeing these precious things he gave me that I still can’t bring myself to take out of my room, only now I realize I really can't forget him.
“ Nak? Ready ka na ba? Nasa labas na yung taxi.”
“ Opo, Ma. Tara na po.”
Kinuha ko ito at nilagay sa isang box at ipinasok sa luggage ko.
Bago kami pumunta sa airport ay dumaan muna kami sa sementeryo upang dalawin si Kuya.
“ M-merry Christmas, anak.” naiiyak na usal ni Mama. “ Pasensya ka na kung hindi kami rito sa Pilipinas mag-ce-celebrate ng pasko. Ilang pasko na ang dumaan, p-pero hindi pa rin kami nasasanay na wala ka sa tabi namin.”
Hindi ko maiwasang madala sa iyak ni Mama. Because she’s right, kahit ilang taon na siyang wala, sobrang hirap pa ring tanggapin. But she never told me na p*tay na ang Kuya. That he’s just sleeping, peacefully, at ayaw niya munang gumising dahil sobrang gulo ng mundo.
He left us too early, kaya sobrang hirap tanggapin. Sobrang daming taon ang nasayang. Pero wala kaming magagawa kung ’yon ang nakatadhana.
“ Merry Christmas, Kuya...Parang kailan lang, ikaw pa ang nag book ng ticket para pumunta tayo sa Japan. Because you know how much I wanted to go there at masaya akong ikaw, kayo ang una kong nakasamang pumunta sa paborito kong lugar. We’ll just pretend na nasa tabi ka pa rin namin, at kasama ka pa rin naming pumunta doon.”
“ Merry Christmas, Don, anak. We’ll be back on New Year. Babalik kami rito, mananatili kami sa tabi mo...buong magdamag...tulad ng ginagawa namin lagi ng Mama mo. Mag ku-kwentuhan ulit tayo. Promise ’yan ni Papa sa’yo.”
Sabay-sabay naming nilagay ang bulaklak sa vase na nasa tabi niya na meron na namang mas naunang bulaklak na nakalagay.
Sabay-sabay din naming sinindihan ang tatlong kandila.
Dumiretso na kami sa airport dahil baka mamaya ay rush hour na naman. Nag text na rin si Haruto na nasa airport na rin siya.
“ Daarin, nasa’n na kayo? Nasa labas lang akong airport so that I can help you with your luggage. ” sandali akong napangiti nang tawagin niya ako sa bago naming callsign.
Siya ang nag-isip non, at sobrang sarap sa tenga kapag tinatawag niya ako non. Parang bumalik ako sa pagiging teenager.
“ Pababa pa lang kami ng taxi. Nakikita na kita!” binaba ko ang bintana at kumaway.
“ Kahit nasa malayo ay nasisilayan ko pa rin ang kagandahan ng girlfriend ko.”
“ Nambobola ka na naman.”
“ Hindi ka na naman naniniwala.”
“ Ewan ko sa’yo. Ibababa ko na ang tawag.”
“ Alright, Daarin, I love you.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
