“ Don’t ever do that again. Give me some time to think about it.”
“ Get up. Ihahatid na kita sa bahay niyo.”
Pinunasan ko ang mga luha ko, “ H-hindi na kailangan. Tatawagan ko na lang ang driver ko.”
“ I said get up. Now.”
Tumayo naman ako at kinuha ang bag ko.
Tahimik lang akong nakasunod sakaniya palabas ng condo.
Ngayon ko lang napansin...hindi ko na siya nakita pang mag drive ng solo. Lagi siyang merong driver.
Tinatamad ba siya?
I cleared my throat before saying, “ Engineer Takahashi.”
“ Yes?”
“ I-I just wanna say...thank you.”
He just nodded and didn’t say anything.
“ Siya nga pala—”
Hindi ko na nasabi pa ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sa phone niya.
“ Yes, Thea? Oh really? Nice. Tell Tita that I’ll be there. Yup! Yes..yes... I’ll be there in a minute.”
Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon.
“ Yes, Ms. Villanueva? Do you have something to say?”
“ N-none...”
Ano ba itong nararamdaman ko? Kanina...sobrang gaan pa ng pakiramdam ko, subalit bigla ulit ’yon bumigat ngayon.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay.
He was about to go out, but I quickly stopped him.
“ Wait! M-may lakad ka pa ata. You should go now. Salamat na lang ulit sa pag paghatid,” usal ko bago bumaba ng kotse niya.
And I didn’t hear a word from him, and he didn’t even insist pa na lumabas.
Argh! What do you expect, Dawn?!
Pagkapasok ko ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko.
At heto na naman si Ray....
“ Kotse niya ’yon, Madam...”
“ He said I just have to give him time to think about it.”
“ Pero bakit—”
“ What did I tell you earlier?”
Sumimangot naman siya, “ I-u-update mo’ko kung ano ang sasabihin niya.”
“ That’s it. Nasabi ko na.”
“ Hay...sige na nga.”
Hanggang pagsapit ng gabi ay halo-halo pa rin ang nararamdaman ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina...
Does it mean, pwede ko na siyang kausapin anytime?
“ Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” tanong ni Mama.
“ Maayos na po.”
“ Buti at hindi ka nabinat. Na-kwento sa’min ni Irish ang nangyari. Alalang-alala ang bata sa’yo.”
“ Maayos na po ako, Ma. No need to worry about me.”
“ Bakit hindi ka muna mag leave bukas, Princess? Pagpahingahin mo muna ang katawan mo,” usal ni Papa.
“ Hindi po pwede e. Marami pa talaga ako kailangang gawin sa trabaho lalo pa’t merong malaking problemang kinakaharap ang kompanya.”
“ Basta h’wag na lang magpapapagod. Nag-aalala kaming lahat dito sa bahay para sa’yo.”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
