CHAPTER 84

192 13 1
                                        

“ T*ngina, nabibingi lang ba kami o ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Dawn.”

Huminga ako ng malalim at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ni Haruto.

“ Meron siyang ako, Ced. Hindi na siya ulit nag-iisa.”

“ K-kung gano’n may kasalan na talagang magaganap sa susunod na taon?!”

“ Oy! Mag hunos dili ka nga! Sobrang dali naman! Di ba pwedeng bago pa matapos ang taon next year?”

“ E sa hindi na ako makapaghintay e. Masyado kayong mabagal ni Paul. Trentahin na kayo nagkakahiyaan pa rin kayo.”

“ Magkaibigan lang kasi kami!” sabay nilang bulyaw kay Cedrick.

“ Ganiyan din kayo no’ng nasa 20’s pa lang tayo, pero tignan niyo hanggang ngayon. Wala pa rin kayong mga jowa.”

“ Hayaan mo na nga sila, Ced. Baka pag senior citizen pa nila ma realize na sila pala talaga ang para sa isa’t-isa.” pabirong usal ni Chant.

“ Ang sakit niyo magsalita ah!”

“ Oy! Oy! Tama na nga ’yan.”  By the way! Kailan pa kayo nagka-ayos, aber?”

“ Kahapon....lang?”

“ H’wag mo nang pakawalan, man, ah? Baka sa sunod sa  mars mo na ’yan mahanap si Dawn.”

“ Shut up, Drix.”

“ Pero don’t worry, Dawn. Walang imposible kay Haruto. Kung kailangan ka niyang hanapin sa iba’t-ibang planeta, gagawin niya ’yan. B@liw ’yan sa’yo e.”

“ For real! At kung back to the circle of seven na naman tayo, meaning need natin mag celebrate?”

“ Inuman na naman ang hanap mo, Ced. Hindi tayo pwedeng magkaroon ng trending issues ngayong taon, may comeback tayo next year.”

“ Porque mag cecelebrate akala niyo ba inuman talaga ang gusto ko?”

“ Bakit? Hindi ba?”

“ Well, kasama na kasi ’yon do’n.”

“ Tamo, loko ka talaga.”

Bago kami pumunta sa bahay ay kinausap muna ako nila Tania at Chantrea at mukhang may pagtatampo sa mga mukha nila.

“ Kahapon lang ba talaga kayo nagka-ayos?” paniniguro ni Chantrea.

“ Oo nga. Kahapon lang.”

“ At wala kang balak sabihin sa’min kung hindi nampiga si Ced?”

“ Natakot ako e.”

“ Bakit ka naman matatakot?”.

“ Baka kung ano na ang isipin niyo sa’kin.”

“ At bakit naman namin gagawin ’yon? Kaibigan mo kami, Dawn. We stay by your side through your ups and downs. Why would we judge you? We want the best for you; we want to see you always smiling, we want to see you with the person who truly has your heart. So why would we think badly of you?”

“ I’m sorry...”

“ Ano ka ba. Ang importante masaya ka. Right, Chant?”

“ Of course! Bigyan niyo agad ng kalaro ang anak ko ah?”

“ Oy! Over naman kayo sa hiling! Na para bang magagawa namin ’yon sa isang gabi lang!”

“ Pag-igihan niyo, pag mag ho-honeymoon na kayo, gamitin mo yung pinakamabango mong sabon. Maligo ka sa gatas.”

“ A-ayoko nga! Nagbabalikan pa lang kami tapos kasalan na agad ang iniisip niyo.”

“ Pero hindi mo maitatangging nasa plano na ’yon ni Haruto. He’s financially stable na and so are you. Kahit ilang anak pa ang gawin niyo kayang-kaya niyo silang bigyan ng magandang buhay.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now