𝘿𝘼𝙒𝙉'𝙎 𝙋𝙊𝙑:
Alas kwatro ng umaga nang magising ako't agad akong nagtaka kung pa'no ako napunta rito sa kwarto.
YUNG THESIS KO!
Agad akong bumaba sa kwarto at dumiretso sa sala subalit ang laptop ko'y nakatago na- maging ang mga papers ay nakaayos na.
Upang makasiguro'y nilabas ko ang laptop at binuksan ito.
" Natapos ko ba ito kagabi o tinapos niya?"
Muli akong bumalik sa taas at pumunta sa kwarto kung saan siya natutulog..but he's not there.
Kaya pumunta ako sa studio niya, sa garage, sa terrace, sa kusina...subalit wala siya do'n..
Where is he?
Kumuha ako ng flashlight at sinubukang lumabas ng bahay.
Napansin ko namang merong kotse doon, ngunit hindi 'yon pag- aari ni Haruto.
Papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
" Dawn!"
Agad naman akong napalingon dahil pamilyar din ang boses nito.
" Dawn, it's me Hendrix!"
Dali -dali ko namang binuksan ang gate at pinapasok siya.
" Nasa'n si Haruto?"
" Uhm..."
" May nangyari ba?"
" Emergency lang..."
" Kagabi pa ba siya umalis?"
" Yup! Ibinilin ka niya sa'kin dahil mag- isa ka lang daw dito."
" Anong oras daw ba siya babalik?"
" Ngayong umaga. Hintayin na lang natin siguro siya."
Pumasok muna kami ng bahay at ipinagtimpla ko siya ng kape.
" Thanks, Dawn."
Ngumiti lang ako.
" By the way, Drix. Okay na ba kayo ni Chant?"
" Yeah. We're good now."
" You know what...no'ng nakaraang gabi ko na lang ulit siya nakitang umiyak. She never blames you, she blames herself, and it hurts me. Ayokong manghimasok sa relasyon niyo, but as her friend, I hope you cherish her the way we do...and if you can't, just leave her alone."
" I'm doing my best, Dawn. I'm sorry, but no matter what you say hinding- hindi ko iiwan si Chant even when she fell out of love. I have my ways to show my love for her at paulit- ulit ko 'yong ipapadama sakaniya kahit dumating man sa puntong magsawa siya. I admit, nasaktan ko siya, but it doesn't mean that I don't love her. Thank you for being there for her when I can't. May mga panahon lang na kahit gusto kong manatili sa tabi niya ay hindi talaga pwede."
" Thank you. Pinagkakatiwalaan ka namin ni Tania. At sana hindi namin 'yon pagsisihan balang araw."
" You won't. Haruto texted me, papunta na raw siya rito. I'll go ahead, Dawn. Lock the gate."
" Sige. Mag-iingat ka."
Muli akong bumalik sa kusina at nagtimpla rin ng kape at naupo sa sala upang hintayin si Haruto.
*Ding, dong!
Agad akong lumabas at binuksan ang pinto.
Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking labi subalit agad 'yon napalitan nang makita ko ang walang emosyon niyang mukha.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
