CHAPTER 75

347 16 0
                                        

Kahit magkadikit na ang mga kamay namin ay nararamdaman ko pa ring nanginginig pa siya, subalit hindi na ’yon gano’n kalala tulad ng kanina.

Hanggang sa makahanap kami ng spot na halos mga bata lang na naglalaro ang naroroon.

“ Look at them. They’re so cute.” usal niya sabay turo sa dalawang bata na naghahabulan.

“ They’re adorable.” dagdag ko.

“ How’s Leo?”

“ Hindi ko na nakikita ang batang ’yon. Sabi ni Mama uuwi sila ng pasko. Binata na siya ngayon, siguro ayaw niya na ngang i-kiss siya e.”

“ S-si Ichiro?”

“ Nasa Japan silang lahat. Just like Leo, binata na rin.”

“ S-si Lola?”

“ She just passed away, 3 years ago.” napayuko siya nang sabihin niya ’yon.

“ I’m sorry for your loss.”

“ Isn’t today your brother’s death anniversary?”

“ Yeah. Pa’no mo nalaman?”

“ He’ll haunt me if I forget.”

We both chuckled about what he said.

Knowing Kuya Don’s personality. Hindi nga imposibleng gawin niya ’yon.

“ Nakadalaw ka na ba?”

“ Yep. Kaninang umaga, kaming lahat.”

“ Do you still have time?”

“ Yep. Sakto uuwi na rin ako pagkatapos.”

“ Pwede mo ba akong samahan?”

“ S-sure...no problem.”

I stood up and offered him my pinky finger, “ Let’s go?”

“ Yeah.” aniya at tulad ng ginawa namin kanina at tanging magkahawak lang ang hinliliit namin.

Nakayuko lang siya at tinitignan kung saang direksyon papunta ang mga paa ko.

“ Dawn?!”

Napahinto ako at nabigla nang may tumawag sa pangalan ko.

“ Dawn! Ikaw nga!”

“ H-ha?”

“ Ako ’to! Si Isabelle! Classmate mo no’ng High school!”

“ Uy! K-kumusta?!”

Itinago ko muna sa likod ang kamay naming dalawa ni Haruto at nanatili lang din siya sa likod ko.

“ Maayos naman! Ikaw? Kumusta ka na?”

“ Maayos...maayos.”

“ Parang ngayon na lang kita nakita. Umalis ka ba ng bansa ng ilang taon?” .

“ A-ah..oo. Kailangan e.”

“ Kailan ba ulit ang balik mo? Magkakaroon tayo ng Alumni, baka makahabol ka pa.”

“ Next year pa naman ang balik ko.”

“ Ayun! Sakto! December 28 ang Alumni, makakahabol ka pa talaga. May Facebook account ka ba? Email?”

“ Facebook account na lang. For business purposes lang kasi ang email ko e. Pasensya na.”

“ Ano ka ba, okay lang. Ganiyan talaga kapag meron nang trabaho. Ito oh, paki-search na lang ng pangalan mo sa cellphone ko.”

Naramdaman ko namang sandaling binitawan ni Haruto ang daliri ko kaya nakuha ko ang cellphone.

“ Here, kung meron nang group chat, paki-add na lang ako.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now