CHAPTER 67

342 19 0
                                        


“ Madam!”

*Tok, tok, tok!

“ Madam!”

“ Hmm?”

“ Madam!”

*Tok, tok, tok!

“ Ray! Shut your mouth!”

“ Madam, gising na! Nako! Mapapagalitan tayong dalawa ni Mrs. Brown!”

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat ko nang makita kong alas otso na ng umaga.

Kaya agad akong bumangon at pinagbuksan na ng pinto.

“ Oh my God! Madam! Kailan ka ba matututong magsuot ng br* t’wing pagbubuksan mo’ko ng pinto! Alam kong pareho tayong may ganiyan pero, ew! Kinikilabutan talaga ako!”

I rolled my eyes, “ Mapapagalitan na rin naman tayo since it’s already 8 o’clock in the morning. I’ll just send her a message. Mamaya ko na lang sakaniya ipapakita ang proposal. What else?”

Kilala ko ’to hindi siya kakatok ng gano’n kalakas kung wala siyang ibang pakay.

“ Ehe. Kilalang kilala mo talaga ako, Madam. Pwede ka bang pumunta sa condo ko? Hehe. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong isuot ngayon araw since, ehe, alam mo nemen na ngayon natin ma-me-meet si engineer. Para kapag tinignan niya ako— maganda ako kapag bubukaka na.”

“ Geeze! Mag hunos dili ka nga! Kapag ikaw nasaktan h’wag na h’wag kang hihingi ng advice sa’kin ah?”

“ Madam, naman! Kapag nandiyan na, hindi ka na dapat mag dalawang isip na bumukaka! Sayang ang oras! Baka tumalab pa ’tong ganda ko sakaniya.”

“ Whatever. Maliligo lang ako. Make sure you prepare a brunch for me.”

“ Sige, Madam. Anong gusto mo? Pandesal? Bacon? Eggs? Hotdogs?—”

“ Anything. Now, go.”

“ Okay, Madam! I’ll wait for you there!”

I just nodded and closed the door when he walked out.

Dumiretso na ako sa CR at nag shower. Good thing he agreed to make me breakfast. Minsan kasi ay tinatamad din siya tulad ko.

Totoo ngang kapag umuwi ka ng Pilipinas ay tatamarin ka na.

Kineme, baka ako lang. Na miss kong matulog sa Pilipinas. 

I’m just gonna wear shorts and a tank top, since pupunta lang din naman ako sa condo ni Raymond na katabi ngayon ng condo ko.

*Tok, tok, tok!

“ Raymond! I’m here!”

He opened the door right away, and I could smell the food he was cooking.

Argh! Nakakagutom!

“ Good morning, Madam. Nasa—”

I didn’t let him finish what he was saying and went straight to the food he was cooking and served it. I grabbed a plate and cold water from his fridge and sat down on the sofa. 

“ Show me your clothes.”

“ Hindi naman halatang gutom na gutom ka, Madam e ’no?”

“ You’ll show me your clothes, or nah?”

“ Ito na nga, Madam. Wait lang.”

I opened my phone and checked my messages. Buti na lang at walang sermon na bumungad.

I sent Mrs. Brown a message na hindi ako makakapunta sakaniya ngayon dahil inasikaso ko na rin ang mga employees na susunod dito sa Pilipinas.

Alangan namang sabihin kong hindi ako makakapasok dahil tinutulungan ko ’tong si Raymond na pumili ng damit niya para mamaya? Edi pareho pa kaming nasermonan.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now