𝘿𝘼𝙒𝙉’𝙎 𝙋𝙊𝙑:
“ You should stop your vices, Haruto. Maaga kang mamamatay kakasigarilyo mo.” usal ko habang nililinis ang lamesa niya sa kaniyang kwarto.
“ Hindi ko na ’yan ginagamit. When you saw me smoking that night, ’yon na yung pang huli and I swear hindi na nasundan pa.”
“ Do you want me to throw these boxes of cigarettes?”
“ Yes you may, Ma’am.”
Abala kami ngayon sa paglilinis ng condo niya. Kahit meron siyang tama dahil sa pag-inom niya ng alak ay hindi ko talaga natiis na h’wag maglinis dahil gusto niyang matulog ako ngayon sa tabi niya.
“ How about these alcohols?”
He gulped at tinignan pa ng mabuti ang mga alak niya.
Hindi pa siya nagsisigarilyo noon kaya mabilis niyang bitawan ’yon. Subalit umiinom na siya bago pa man kami magkakilala, but he doesn't drink often, kaya siguro ay nagdadalawang isip pa siya.
“ C-can I keep those? I-I promise, hindi naman ako maglalasing lagi.”
I rolled my eyes at inayos na lang ang mga alcohols na nakatambak sa kusina.
May mga bottles pa rito na wala ng laman. Hindi ba siya naglilinis dito?
“ Kaya siguro hindi na ginaganahan kumain si Nozomi, kahit aso siya’y marahil ay ayaw niya rin ng makalat na paligid.”
“ I have a question.”
“ Ano ’yon?” tanong ko habang abala sa pag v-vacuum.
“ Is she your dog?”
Napahinto ako saglit at humarap sakaniya, “ How did you know?”
“ Nabanggit sa’kin ni Tito nang pumunta ako sa bahay niyo no’ng death anniversary ni Kuya Don. Hindi na kita tinanong, dahil akala ko’y wala na lang ’yon sa’yo.”
“ Wala kasi akong kasama t’wing binabantayan kita, kaya wala rin akong nakakausap, bukod sa’yo. But...you’re asleep. So I’ve decided to adopt a dog, ng sa gano’n ay merong magbabantay sa’yo t’wing umuuwi ako sa bahay para kumuha ulit ng damit. I named her ‘Nozomi’, because she gives me hope. Sakaniya ko sinasabi ang mga hiling ko, na sana...sana bago man lang ako umalis ay dumilat na ang mga mata mo. We pray together, everyday...kaya sobrang napamahal na rin ako sakaniya.”
“ H-how many months did you stay by my side?”
“ 3 months? Sinubukan kong hintayin ka, pero wala na akong ibang choice kun’di ang sumama kay Gilbert sa LA, dahil may utang akong kailangang bayaran sa pamilya nila dahil nagkaroon ng heart disease si Papa. Kaya gusto kong humingi ng taw—” bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad niya akong niyakap...ng sobrang higpit.
“ My Dawn suffered too much when I was fast asleep. I wondered who hugged you when you needed it most. I’m so sorry....” dahil sa sinabi niya ay bigla akong napahagulhol.
Sobrang tagal ba panahon kong hinintay na muli siyang mayakap ng gan’to kahigpit.
“ Thank you for taking care of me...ako dapat ang nag-aalala sa’yo, pero ikaw pa itong nabigyan ko ng obligasyon na alagaan ako sa loob ng tatlong buwan. I’m so sorry....babawi ako, ako na ulit, ako na ulit ang mag-aalaga sa’yo...”
Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil muli niya kaming binigyan ng pag-asang maayos ang aming relasyon at muling magkasama. Dahil ’yon na ang matagal ko nang hinihiling...at masaya akong isa-isa nang natutupad ang mga panalangin ko.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
