“ Huy! Okay ka lang? Kanina ka pa diyan tulala. Maaga naman tayong natulog kagabi ah? Pero mukhang puyat na puyat ka, ” usal ni Tania.
“ Hindi ako makatulog kagabi. Hindi kasi ako sanay na matulog sa ibang lugar.”
“ E anong oras ka natulog?”
“ Hating gabi na.”
“ Jusko! Tapos ngayon 5:30 pa lang ng umaga tapos may next trip pa tayo. Sigurado ka bang okay ka lang?” hinawakan niya pa ang noo ko maging leeg.
“ Wala ka namang lagnat. Baka nga kulang ka lang sa tulog. Kumain ka na ng breakfast at mauna na akong maligo sainyo.”
I just nodded at tumungo na sa lamesa. Laking pagtataka ko dahil wala si Megan at tanging si Ray lang ang kumakain.
“ Madam! Gising ka na pala. Halika na, kumain ka na habang mainit pa ang agahan.”
“ Si Megan? Where is she?”
“ Nasa labas ata kasama si Mr. Leighton.”
I sat down in front of me at kumuha ng mainit na tinapay at nag timpla ng kape.
“ Madam, masyado naman atang malaki ang jacket mo....lumabas ba kayo kagabi ni Mr. Leighton?”
Nabulunan ako nang marinig ko ang sinabi niya.
Walangya! Hindi ko pa pala nahuhubad ’tong jacket niya!
“ H-ha? Anong sinasabi mo? This jacket is mine.”
“ Weh?”
“ Oo nga.”
“ WEH?!”
“ Bagong bili ko ’to.”
“ W.E.H? Weh?! Does his jacket still make you feel warm from last night? Kaya hindi mo pa rin hinuhubad?”
Humigop ako ng kape bago tumayo at hinubad ang jacket.
“ S-sobrang init!” usal ko bago bumalik sa kina-uupuan ko kanina.
“ Sige, Madam. Paniniwalaan na kita.”
I just realized I’m wearing his jacket from sleep until now. I don’t know why, but I felt like he was hugging me while I was wearing his jacket.
Kaya hindi ko na nagawa pang hubarin 'yon pagkapasok ko ng kwarto, because the warmth of his jacket made me sleep.
After I eat my breakfast, ako na ang sumunod na naligo sa banyo.
I’m wearing black pants, white long sleeve polo and black open toe sandals.
I also brushed up my hair dahil masyadong mahangin sa labas. Nonsense kung mag c-curl pa ako.
After that, sumunod na akong lumabas dala ang maliit kong bag dahil message sa’kin si Tania. May mahalaga pa rin daw na pinag-uusapan sa labas kaya hindi ko muna dinala ang maleta ko.
Everyone is talking and they all look serious.
“ We can’t go to Siargao and leave the cars here because we need to take a plane to get there. It should’ve been told to everyone from the start where we’re going so we wouldn’t have brought the cars. Tulad ngayon na kailangang iwan ’yong sasakyan sa kabila dahil Palawan pala ang pupuntahan, ” usal ni Paul.
“ Itong si Tania kasi may pa secret secret pang nalalaman.”
“ Aba! Malay ko!”
“ Oo na. Oo na. Paul is right. We can look for other places to visit instead. We can’t leave our cars here, it’s too risky. That is, if everyone agrees.” dagdag pa ni Ced.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
