Ngayong araw ang libing ni Kuya. Pero parang ayoko na lang siyang umalis. Why is it so hard to let go? Ang hirap umusad, gumising na wala ang taong isa sa mga dahilan para magpatuloy ako.
“ Nak, p-punta na raw tayo sa simbahan.”
I shook my head, “ Hindi, Ma....d-dito lang si Kuya.”
“ Nak...alam kong mahirap bitawan ang Kuya mo. P-pero, pero kailangan.”
Muli akong sumenyas, “ H-hindi ko pa ho kaya. Hindi, hindi ko kayang hindi makita si Kuya kahit isang araw lang. M-ma..” napayakap na lamang ako kay Mama.
“ Shhh, gan'to rin ako, alam kong sobrang hirap. At bilang isang ina, akala ko'y siya ang maiiwan namin ng Papa mo sa hinaharap, pero sobrang sakit, sobrang hirap tanggapin na wala na siya.” namamaos na usal ni Mama habang pinapatahan ako.
“ Pero, alam kong magiging masaya siya, k-kung makikita niya tayong nakangiti bago siya umalis sa mundong 'to. A-alam ko, alam kong mahirap. Pero kailangan nating umusad ng pa-unti- unti para sa Kuya mo. And Kuya will be more happy, if he sees his sunshine smile back again.”
Humarap ako kay Mama at pinunasan niya ang mga luhang nagsisipatakan sa mga mata ko.
“ T-tahan na, 'nak ah? Sige ka, m-magiging malungkot ang a-alis ng Kuya mo.”
Tumungo ako sa kwarto upang tawagin na si Haruto subalit napaatras ako nang marinig kong meron siyang kausap sa telepono.
“ Pa'no mo nagawang iwan ang trabaho mo para lang sa walang kwentang bagay?! Hindi mo ba alam kung gaanong kalaking pera ang nawala dahil mas inuna mo pa 'yang girlfriend mo?!”
“ Stop disrespecting her! Gusto mo ng pera?! Get it! Sa susunod na marinig ko pa 'yan galing sa'yo, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang career ko at mawalan ka ng trabaho. Remember this, you are NOTHING WITHOUT ME. Kaya kong panatilihing nakaukit ang pangalan ko sa industriya kahit wala ka.”
Nang ibaba niya ang tawag ay agad akong nagtago sa gilid at nagpanggap na wala akong narinig bago pumasok.
“ Okay ka lang?”
“ I should be the one who's asking you that question, baby.”
“ Pupunta na raw tayo sa simbahan.”
Pagpunta namin ng simbahan ay hindi ko inaasahang dudumugin 'yon ng mga tao. Mabuti na lang at nakapasok pa rin kami kahit papa'no.
I never thought na gan'to karami ang nagmamahal kay Kuya.
He's been a good person, a brother, a son and an idol. Marahil lahat kami ay hindi pa rin matanggap ang nangyari.
Mahaba ang naging pila ng mga tao, so we decided na maglakad na lang.
“ Just tell me kung pagod ka na, sasakay na lang tayo.” ani ni Haruto.
Sumenyas ako, “ Hindi na kailangan. Wala rin naman akong nararamdaman na kahit ano.”
Hindi ko mapigilang umiyak lalo na nang makita kong umiiyak sina Mama habang naglalakad. Puno ng paghihinagpis ang bawat hagulhol na naririnig ko. Maging ang mga tagahanga ni Kuya'y gano'n din.
Subalit napukaw ang atensyon ko nang makita kong nakapaa lamang si Chantelle habang naglalakad at hawak- hawak si Leo.
Nasa tabi lang sila ni Mama at wala rin siyang kaimik- imik.
Maging ang mga kasama ni Kuya sa banda ay sobra- sobra rin ang iyak. Sila na ang naging pangalawang pamilya at kapatid ni Kuya.
Nagpalipad ang lahat ng puting lobo, at kaming mga pamilya niya'y nahulog ng puting rosas sa paglilibingan niya.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
