CHAPTER 61

345 10 0
                                        

1 week later...

“ Doc, have you seen any improvement sa kondisyon niya?” tanong ko bago tuluyan nang palabasin ng ICU si Doc.

Umiling siya, “ Sad to say this, pero wala pa rin. But he’s still fighting.” ngumiti lang siya bago lumabas ng pinto.

Lumapit ako’t naupo sa tabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya’t akin naman itong dinampian ng halik, “ You’re strong, baby...a-alam kong gigising ka rin. At hihintayin ko ang araw na ’yon...

“ Ruff! Ruff!” napatingin naman ako sa baba nang tumahol si Nozomi.

Napadalas na na solo lang akong nagbabantay dito sa loob. Kaya nang bumili ng aso sina Hendrix at Chantrea.

This dog keeps barking na para bang gustong-gusto niyang sumama sa’kin nang makita niyang papaalis na sana kami. So, I decided to buy her.

I named her...Nozomi, it means Hope in Japanese.

Because she’s the only one that gives me hope sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon. T’wing nakikita ko siya’y napapangiti niya ako kahit papaano.

Kinarga ko siya at medyo lumayo lang ng k’unti sa hospital bed ni Haruto.

“ You want to see your Daddy again? There he is...” usal ko’t tinuro ko si Haruto.

“ B-but...but sadly, he’s still sleeping...”  malungkot kong usal at muli siyang ikinulong sa cage niya.

*Ring, ring!

Agad ko namang sinagot ang tawag at laking tuwa ko nang si Papa na mismo ang tumatawag sa’kin.

“ Hello po, Pa?”

“ Nasa’n ka, ’nak?”

Napatingin ako saglit kay Haruto, “ Bumisita ho.”

“ Kumusta naman si Haruto?”

“ W-wala pa rin hong pinagbago, Pa. Pero sabi ng Doctor ay lumalaban pa rin siya...you think it’s  a good sign, Pa?”

“ Oo naman. It means gusto niya pa ring makasama ang mga mahal niya sa buhay...gusto ka pa rin niyang makasama....”

“ B-bakit ho pala kayo napatawag?”

“ Gusto ko lang sanang itanong kung saan ka kumuha ng pambayad para sa operasyon ko at ako na mismo ang magpapasalamat at nang unti-unti ko na ’yong mabayaran.”

“ Pa, h’wag niyo na hong isipin ’yon. At tsaka ang sabi ho ng Doctor ay magpahinga muna kayo at h’wag nang aabusuhin pa ang katawan. Bawas trabaho ho muna, Papa. Tapos na rin naman ho akong mag-aral, kaya hayaan niyo na ho akong maghanap ng trabaho at kumayod para sa’tin.”

“ Hindi naman kita pinagbabawalan, Princess. Ang akin lang ay h’wag mo rin sanang papabayaan ang sarili mo.”

“ Alam ko ho ’yon, Pa. Kaya magpahinga muna ho kayo...”

Pagkababa ko pa lang ng tawag ay agad namang bumungad ang message ni Gilbert.

“ We need to talk, Hope. Sunduin kita sa labas ng hospital.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Papa ang tungkol sa pagsama ko kay Gilbert sa America...at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-pasya kung ngayong buwan ba ako sasama. Nangako ako...at ayoko na ulit bitawan ’yon.

Hinalikan kong muli ang noo niya bago lumabas ng kwarto.

“ Manong, ikaw na ho muna ang bahalang mag bantay sakaniya. Kapag pumunta ho rito si Tita Elizabeth, pakisabi ho na may kailangan lang ang akong puntahan at babalik din ako kaagad.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now