CHAPTER 58

318 11 0
                                        

CHAPTER 58

1 week later...

“ Haruto Takahashi tuluyan na ngang tinanggap ang proposal ng Manager ni Shaniah Guadalupe na si Marki Quezon. Balik tambalan na kayang muli ang dalawa?”

“ Mr. Marki, ano ho ba ang plano niyo’t nag offer kayong maging bagong Manager ni Haruto Takahashi after his issue?”

“ Wala pa naman. Si Haruto kasi kilala ko na ’yan mula no’ng sinimulan niya ang kaniyang karera sa industriya. He’s a good man, at nakikita ko sakaniya kung gaano na siya napamahal sa trabaho niya at ayokong masayang lang ’yon.”

“ Ipagtatambal ba silang dalawa ni Shaniah? I mean, pareho mo na silang hinahawakan ngayon at alam na lahat ng tao kung gaano kalaking artista sina Haruto at Shaniah.”

“ Uhm..we’ll see. Sa ngayon kasi’y gusto muna ni Haruto na mag focus sa ibang bagay and I respect that. Pero baka...baka balang araw.”

“ OMG! My faves!”
“ It’s your time Shan! Galawin mo na ang baso!”
“ I knew it, sila rin naman talaga sa huli. Minsan ay may mga tao muna talagang eepal bago kayo magkatuluyan e.”
“ Sila talaga noon ang inaasahan kong magiging couple, pero bigla akong nawalan ng gana ng malaman kong meron palang girlfriend si Haruto.”

“ I’m a fan of Haruto.  I mean Dawn and him just broke up no’ng isang araw. To all of their fans sa comment section na ’to. Be delusional as you want. Because I know that our Haruto will always come back to his home— Dawn Villanueva.”
“ Real! Kapag trabaho lang trabaho lang! Wag niyong pinipilit ang Haruto namin sa dapat ka-trabaho niya lang!”
“ Girl, you ate!”

“ Oh...ayan ka na naman.” agad kong in-off ang cellphone ko nang biglang sumulpot si Chant.

“ In-open mo na naman ang socmed accounts mo? Dahil ano? Curios ka ngayon sa ginagawa ni Haruto?”

“ H-hindi ’no...gusto ko lang malaman kung tinupad niya ang sinabi niya no’ng gabing ’yon—”

“ And he did, right? Pero bakit puno naman ng bakas ng kalungkutan ’yang mukha mo?”

“ I’m happy for him, Chant.”

“ I know. But your eyes don’t know how to lie, Dawn. Umpisa pa lang ’yan....at may mga susunod pa. So, be ready. Basta if you need us, just call us, okay?”

“ Mm...salamat.”

“ Malapit na rin pala ang birthday ni Tan. Sa makalawang araw na ’yon and she’s expecting you to come.”

“ Subukan ko.”

Tapos na rin naman kami sa lahat -lahat at tanging graduation day na lang ang hinihintay.

Pumunta muna ako sa coffee shop dala-dala ang libro ko. Gusto ko kasing humigop ng kape habang nagbabasa— e bawal namang magdala ng inumin o pagkain sa loob ng library.

Sinuot ko na lang ang earpads ko dahil mas makakapag focus akong magbasa habang nakikinig ng kanta kesa mga boses ng mga tao sa paligid ko.

Subalit halos isang oras ang nakalipas nang mapahinto ako nang may maupo sa harap ko.

“ Dawn?”

“ Timothy?”

“ Uy! It’s been a while! Naistorbo ba kita?”

“ H-hindi naman.”

“ I’m sorry kung hindi ako nakapunta no’ng libing ng Kuya mo.”

“ Okay lang. You should say sorry to him at hindi sa’kin.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now