Pumunta kami ngayon sa hospital kung saan kasalukuyang na- confine si Leo.
Pagpasok namin ay sakto namang pinupunasan ni Chantelle ng basang bimpo si Leo.
“ D-dawn...”
“ Kumusta si Leo?”
“ H-hindi pa rin siya nagigising.”
“ Pero maayos naman ba ang paghinga niya?”
Tumango lamang siya't muling ibinaling ang tingin kay Leo.
“ H-hindi mo ba pupuntahan si Kuya?” napatingin siya sa tanong ko.
“ Nangako akong hindi ako pupunta sa puntod ng Kuya mo hangga't hindi pa nagigising si Leo. Ayokong maging madaya, Dawn.”
“ Gusto ko ring humingi ulit ng kapatawaran tungkol sa nangyari sainyo ni Chantrea, hindi ko—”
“ Kung ano man ang nangyari sa'min ay labas ka na do'n.”
“ Sana magkaayos na kayo. K-kung gusto mong manatili muna rito, maiwan ko muna kayo.” paalam niya't kinuha ang bimpo at maliit na palanggana.
“ C-chantelle...”
“ Ano 'yon, Dawn?”
“ Thank you for taking care of my niece.”
“ Obligasyon kong alagaan ang anak namin, tanging ala-alang naiwan ni Don.” aniya bago tuluyang lumabas.
Dahan -dahan akong lumapit at umupo sa tabi ng kama ni Leo.
“ He's too young...too young to suffer like this. N-ni hindi ko alam, h-hindi ko alam kung pa'no namin sasabihin sakanya pagmulat niya na w-wala na ang Papa niya. T-they just met, at bumabawi pa lang si Kuya. H-hindi ko 'yon kayang sabihin sa bata.”
Haruto sat beside me and leaned my head to his shoulder..
“ Shhh, kahit sino mahihirapang tanggapin 'yon. At hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong hindi na maapektuhan. Kasi halos buong buhay mo siyang nakasama at napamahal ka na rin sakaniya ng lubosan. So, don't be afraid, and don't blame yourself kung hindi mo pa kayang sabihin 'yon kay Leo. Lahat tayo nasaktan sa nangyari, pa'no pa kaya si Leo na katiting na panahon niya pa lang na nakasama ang Kuya mo, pero napamahal na siya ng lubusan? He's a son, na wala pang gaanong muwang, maaring sa ngayon ay pwede siyang maguluhan, but sooner unti-unti niya ring matatanggap niya rin 'yon at maiintindihan.”
“ It's really hard to lose loved ones. But healing won't exist without pain, and vice versa. God gave us challenges not because he thinks we are weak, it's because God believes that he created strong people, and it's up to you to find out and believe.”
He's gently tapping my shoulder and kisses my forehead.
“ Just don't forget that your man is always here no matter what happens. I won't leave you, and let you be alone.”
I just hugged him as tight as I could.
Everything feels so heavy, but I feel at ease when he's with me.
“ T-tita...”
Dahan-dahan akong napatingin kay Leo na unti- unti nang dumidilat.
“ L-leo..”
“ T-tita...” mahina niyang pagsambit.
“ L-leo, a-ano ang nararamdaman mo? D-do you feel hungry? Thirsty? W-what do you need?”
“ P-papa...P-papa..”
Nagsalubong na lamang ang tingin namin ni Haruto.
“ W-where's Papa, T-tita?”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
