𝙏𝘼𝙉𝙄𝘼’𝙎 𝙋𝙊𝙑:
Sobrang nagui-guilty ako sa mga pangyayari kagabi. It’s my fault. Hindi ko na dapat hinayaan pa siyang uminom at binalewala ko na lang sana ang sinabi ni Audrey.
Pero sobrang g*ga ko dahil hindi ko man lang inisip ang kapakanan niya— nilang dalawa ni Chant at mas inisip ang sarili ko.
If Chant wasn’t there. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Kasalukuyan kaming nasa Hospital ngayon dahil tarantang-taranta na kami kanina ni Chant.
“ Hey...” napatayo ako ng lumabas ng kwarto si Chant.
“ H-how is she?”
“ She’s fine na. Kailangan lang daw ipagpahinga sabi ng nurse...at iiwas daw natin siya sa alak.”
“ It’s my fault.”
She sat beside me, “ It’s not your fault. Walang may gusto sa nangyari. Tanging ang g*gong Aaron lang na ’yon ang sumadya sa nangyari.”
“ Anong gagawin natin sakaniya?”
“ We will teach him a lesson.”
“ H-he’s a graduating student.”
“ And so? Wala akong pake kung para ’yon sa ikabubuti nating tatlo. He’s a b*stard, pervert, and a womanizer. Dapat lang sakaniya ang makulong.”
She sighed, “ Nakakaawa si Dawn. Kakagaling niya lang sa break- up tapos pumatong pa ang bagong trauma sakaniya.”
“ S-should we tell Haruto what happened?”
“ No. Mas ayaw niyang malaman ’to ni Haruto— maging nina Tito at Tita. Kilala mo si Dawn, mahilig ’yang magtago kasi ayaw niyang nag-aalala ang mga tao sakaniya.”
“ I hope she’s not mad at me.”
She held my hands, “ She will never get mad at you. Sa ngayon ay kailangan muna nating itago ang nangyari hangga’t walang pahintulot niya.”
“ Y-you’re right. Hintayin na lang siguro natin siyang gumising.”
𝘿𝘼𝙒𝙉’𝙎 𝙋𝙊𝙑:
Sobrang sakit ng ulo ko kaya hindi ko masyadong maimulat ang mga mata ko at tanging puting kisame lamang ang nakita ko.
Medyo namamanhid din ang katawan ko— and started crying nang maalala ko ang nangyari kagabi.
“ Dawn!” rinig kong boses ni Chant.
Lumapit siya sa’kin at niyakap ako..
“ C-chant...n-natatakot ako. P-please h’wag niyokong iwan....”
Hinaplos niya ang buhok ko, “ Shhh...we won’t leave you, okay? Hinding-hindi na ulit kami papayag na mangyari ulit ’yon sa’yo— o sa atin.”
Kumuha naman si Tania ng tubig at ibinigay ’yon sa’kin.
“ H-h’wag niyong sabihin kahit kanino ang nangyari...” pakiusap ko.
“ Sa’tin lang ’to.”
“ N-nasa’n si...nasa’n si....”
“ Sino?”
Natigil ako nang maalala....we already broke up...
“ W-wala...gusto ko munang magpahinga.”
Two weeks had passed...
Pero hindi pa rin ako sanay na wala ka sa tabi ko.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...
