CHAPTER 62

381 13 0
                                        

My love will still remain, even when the stars in the sky are no longer aligned.

“ Kanina ka pa nandito sa labas, ’nak.” usal ni Papa ay isinuot ang jacket sa likod ko.

“ A-ang ganda lang hong pagmasdan ng mga bituin. Sobrang liwanag din ng buwan.”

“ Bukas ng gabi na ang alis mo. Hindi ba dapat nagpapahinga ka na ngayon? Sobrang lamig pa naman dito sa labas. Baka sipunin ka pa.”

Umiling ako, “ Ayos lang po ako, Pa. Papasok na lang ho ako mamaya.”

Akala ko’y aalis na si Papa subalit kumuha siya ng upuan at naupo sa tabi ko.

“ Pa, kayo ho dapat ang magpahinga na sa loob.”

“ Hindi rin naman ako makakatulog kung hahayaan ko lang ang prinsesa ko rito sa labas.”

He took a deep sigh, “ Do you miss him?”

Ang bumibilog na luha sa mga mata ko’y biglang pumatak kaya bigla akong  napayuko bago tumango.

“ A-a lot, Pa. W-walang araw, oras, minuto, s-segundo ko siyang iniisip. I- I miss him. Ayoko siyang iwan, gusto kong manatili sa tabi niya hanggang dumating ang araw na gumising na siya...p-pero hindi ko na ho kayang lumapit pa sakaniya. I feel guilty — everyday.”

“ Aren’t you gonna tell him your reason?”

“ Gusto ko na hong umalis para makalimutan niya na rin ako.”

“ But you both love each other. Isusuko niyo na lang ba ang relasyon niyo? Haruto is a good man, kaya no’ng gabing nakasama namin siya ng Kuya mo ay agad na namin siyang nagustuhan. At kahit kailan...o kahit minsan ay ni wala man lang kaming maling nakita sakaniya. At alam mo ba kung bakit mas nagustuhan ko pa siya? Merong isang gabing pumunta siya rito, I think he came here when you two had a quarrel. Akala ko nga gusto ka niyang kausapin, ako pala ang pinunta niya rito. He asked me for advice, and I didn’t hesitate to give it to him. Nakakatuwa lang dahil sa lahat ng pwede niyang lapitan ay naglakas loob siyang pumunta rito sa bahay at kausapin ako. Kaya ang ginawa ko...hindi ako naging unfair...binigyan ko siya ng advice na dapat niyang marinig at makakatulong para magkaayos kayong dalawa. Kaya kung nagkaroon man kayo ng problema sa relasyon niyo, alam kong wala sainyo ang problema kun’di sa sitwasyon. Hindi ba’t tama ako, Princess?”

Tanging pag- tango lang ang naging sagot ko.

“ So you’ll just let everyone think you’re the villain— even Haruto?”

“ I’ve been the villain in their eyes after the incident or maybe before the incident happened. I just realized that not all ears are willing to listen, unless their mouth stops talking.” 

“ I don’t mind what they say about me. Kung ’yon lang ang tanging paraan para tuluyan na akong makalimutan ni Haruto...i-it’s fine. Dahil ’yon ho ang gusto ko at ’yon ho ang dahilan ng paglayo ko.”

“ But Haruto knows you —”

“ And he knows what I did, Pa. The way he looked at me that day....I didn’t see any love left in his eyes. All I saw was pain and anger.”

“ Galit ho siya sa'kin bago mangyari ang aksidente. At hindi na ho ako magtataka kung galit pa rin ho siya sa’kin kapag bumalik na ang ala-ala niya.”

“ Hindi ako naniniwala diyan, anak. Kasi kung pagtitimbangin ang pagmamahal at ang galit...kahit anong gawin mo’y mananaig pa rin ang pagmamahal mo sa isang tao.”

Lumapit sa’kin si Papa at pinasandal ako sa kaniyang balikat, “ I’m happy for you, Princess. But I’ll be happier if I see a genuine smile on your face, like the kind you used to have when Haruto was the reason. And when I walk you down the aisle, I’d love to place your hand in his...on your wedding day.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now