CHAPTER 71

308 16 0
                                        

“ We need to take our brand to the next level. If we don’t, our 80 million investment will be wasted.”

Namomroblema kaming lahat ngayon. Tama ba talagang desisyon na ituloy pa namin ’to?

Argh! Nakaka-stress!

“ Coffee, Madam...sobrang bilis ng araw pero hindi pa rin talaga natin magawang makahanap ng brand ambassador.... although mataas naman ang demand natin sa ibang bansa, bumaba nga lang sa Pilipinas.”

“ I know. Can I ask you something?”

“ Yes naman, Madam! Tungkol saan?”

“ Kung ikaw... meron kang ex, tapos meron ka pa sakaniyang atraso tapos hihingi ka sakaniya ng tulong....masama ba ’yon?”

“ Sobrang sama ko, Madam. Siguro ang una kong gagawin ay makikipag-ayos ako sakaniya, mag-so-sorry at kapag tinanggap niya ’yong sorry ko, tsaka ko na hihingin ang tulong niya.”

“ Will it take long?”

“ Depende sa pagsusuyo na gagawin mo at depende rin kung gaano kalaki ang atraso mo sa ex mo. Bakit, Madam? Balak mo bang humingi ng tulong kay Engineer Takahashi?”

Kumisap-kisap naman ang mga mata ko, “ O-of course not! Pinapatanong ’yang kaibigan ko. Nahihirapan lang ako sakaniya mag bigay ng advice, kaya sinubukan kong magtanong sa’yo.”

“ Nga naman, ikaw nga ’di mo magawang kausipin si Engineer tapos ikaw pa magbibigay ng advice. Mahirap talaga ’yon.”

Pinaningkitan ko naman siya ng mata, “ Ray...”

“ Ehe! Joke lang, Madam! Pakisabi diyan sa friend mo na gawin na lang ang sinabi ko.”

“ Meron ba akong free time ngayon?”

“ Sadly, wala, Madam e. Gabi lang.”

“ Hindi ba masamang maging makapal ang mukha kahit isang araw lang?”

“ Siguro hindi naman, Madam. Kapalan mo ang mukha mo kung kinakailangan. Ipakita mo sakaniya na hindi ka susuko at hinding-hindi ka kailanman magpapatinag.”

“ Really?”

“ Aminin mo na kasi, Madam. Tutulungan naman kita.”

“ Ugh! Nevermind!”

Napaisip ako ng mabuti...

Baka nga hindi naman masama....just one night, Dawn. Swallow your pride tonight. H’wag kang maging maldita.

Good thing I don’t need to make excuses to see him. We’re heading to the site kung saan itatayo ang branch ng Dupioni, so I’ll definitely see him. 

_**_

“ Ayos na ayos ka ngayon, Princess ah? May date ka ba?”

“ Po? Wala, Pa. Pupunta lang ho sa trabaho.”

“ Ano ka ba naman, mahal. Natural na ang ganda ng anak natin. Nakakapanibago man, pero ganiyan na talaga siya manamit at mag-ayos. At tsaka isang linggo pa lang siya rito sa Pilipinas, imposibleng meron agad siyang manliligaw, e t’wing nagpapaalam siya sa atin ay laging papunta siya sa trabaho niya at agad din namang umuuwi at pagod pa. Depende na lang kung matagal niya nang kakilala rito sa Pilipinas ang ka-date niya kung meron man.”

Naubo naman ako sa sinabi ni Mama.

“ Ayos ka lang ba, ’nak?”

“ O-opo naman. Medyo kumati lang ho ang lalamunan ko.”

“ Uminom ka mamaya ng gamot, pagkatapos mong kumain sa trabaho.”

“ Opo...mauna na muna ho ako, Ma.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now