CHAPTER 69

326 11 0
                                        

Maaga kaming nagising ngayon dahil maaga rin silang nagising sa baba.

Gan’to ba talaga sila rito kahit weekends?

“ Ngayon ko lang nakita kung gaano ka ka-creative, Madam at ang artistic mo pa. How did you draw his face using rose petals? And....buong kwarto mo rin ay puno ng paintings ng mukha at mata niya. Ito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig?”

“ I always paint his face....natatakot ako na baka....baka makalimutan ko ang mukha niya dahil ilang taon na kaming hindi nagkikita. B-balak ko na rin ngang ilagay na lang ang lahat sa basement...”

“ Sayang naman. Bakit, Madam?”

“ Gusto ko na siyang kalimutan. Nakita ko na siya, maayos na ang buhay niya. Sapat na ang dahilan na  ’yon para tuluyan ko na siyang kalimutan. And I want to give Leighton a chance. I-I think we can make it work.”

“ Sure ka na diyan, Madam?”

“ Y-yeah... sigurado na ako.”

Pagkababa namin ay agad kong nakasalubong si Irish.

“ Good morning, Ma’am!”

“ Good morning, Irish. Sama ka sa’min mamaya ah?”

“ Opo.”

“ Kumain na kayo?”

“ Opo sa bahay.”

We’ve also provided houses for the helpers here so they wouldn’t have to go home, lalo na kapag malayo ang kanilang bahay.

“ How’s Manang Maribel?”

“ Medyo maayos na po. Sa susunod na linggo pa po siya pinayagan ni Ma’am na magtrabaho.”

“ Just tell me kung kailangan niyo pa ng gamot, okay?”

“ A-ay, hindi na po. Meron na po kami doon sa bahay. Lahat na po na-i-provide ng mga magulang niyo.”

“ Mabuti kung gano’n. We’ll go ahead, I’ll see you later.”

“ Opo.”

“ Good morning, Princess!” masayang pagbati sa’kin ni Papa at niyakap ako ng mahigpit bago halikan sa noo.

“ Good morning, Pa. Si...Mama po?”

“ Nako, natutulog pa, kaya si Irish ang naging katulong ko sa pagluto ng agahan.”

“ Pa, pwede naman po kayong kumatok sa pinto ng kwarto ko nang natulungan ko kayong dalawa ni Irish.”

“ Ano ka ba, sulitin mo ang tulog mo, sigurado akong hindi ka nagkakaroon ng maayos na tulog sa America.”

“ Nako, may tama ho kayo diyan, Tito—”

Agad ko namang siniko si Raymond dahil sobrang tabil talaga ng bunganga niya.

“ Tama lang ho, Pa. Syempre po kailangan din minsan dahil sa trabaho. Pero don’t worry, Pa. Kinakaya ko pa at kakayanin.”

“ Oh siya, halika na, kumain na tayo ay ipinagluto kita ng sinangag at shanghai.”

“ Naks! Alam na alam mo talaga kung ano ang paborito ko, Pa.”

“ Syempre naman, ’nak.”

After eating breakfast, we went back upstairs to take a bath since we’re leaving early today. Ang inaalala ko kasi ay baka bigla kaming ipatawag ni Mrs. Brown.

I wore white pants with a brown belt and a white shirt, and added a brown leather jacket since the weather was a bit cold. I also wore black LV heels, dahil wala ako sa mood na magsuot ng stiletto heels ngayong araw.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now