CHAPTER 72

344 13 0
                                        


Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang nakita ko kanina.

Hindi ba dapat wala na lang ’yon sa’kin? Pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng kirot? Kahit alam kong hindi na siya sa’kin?

“ Madam, malalim pa sa balon ang iniisip mo.”

Napangisi naman ako, “ Iniisip ko lang ang future ko...”

“ Yung nasa LA ba o ’yong nandito sa Pinas?”

“ Magsisimula ka na naman.”

“ Pwede kang mag-open up sa’kin, Madam. Kahit sabihin mo man sa’kin na ayos ka lang, maraming itinatagong lungkot ang mga mata mo.”

“ I’m fine. Lilipas din siguro ’to kapag nasanay na ako.”

“ At habang sinasanay mo ang sarili mo, sinasaktan mo naman ang puso mo.”

“ H-hindi lang ako sanay...”

“ Saan, Madam?”

“ Hindi ako sanay na hindi siya makasama, makausap...tulad ng dati. Alam ko rin namang nagbago na ang lahat. But every time I see him, parang gusto ko na lang humingi ng tawad at humingi ng pangalawang pagkakataon. Pero may kung anong pumipigil sa’kin na gawin ’yon...pilit na binubulong sa’kin ng paulit-ulit na tama na...tigil na. A-akala ko no’ng una dala lang ’yon ng pagka-konsensya ko, pero hindi e. N-nasasaktan pa rin ako, Ray. Hindi ko kayang magpanggap o mag manhid-manhidan sa harap niya.”

“ Kasi nga, Madam...mahal mo pa. Yun ang tanging sagot do’n kaya hindi mo siya magawang makalimutan at kaya ka patuloy na nasasaktan kasi hindi ka sanay na makita mo siyang merong kasamang iba habang inaalala mo ’yong mga araw na ikaw pa ang kasa-kasama niya.”

Marahil ’yon nga ang dahilan.

“ Mahirap talagang mag move-on kapag nakita mo ulit ’yong taong sisimulan mo pa lang na kalimutan. Pero hindi naman kasi isang araw lang ang paglimot, maybe soon, Madam. Unti-unti mo rin siyang makakalimutan. Hindi man sa ngayon, darating din ang panahon kung gugustohin mo.”

“ Alam mo, Madam. Sinadya kong banggitin ’yon mismo sa harap niya to see his reaction.”

“ Pero wala siyang pakealam.” dugtong ko.

“ Y-yun lang...”

“ I hate myself, Ray. Ang t*nga- t*nga ko kasi nagpapaka t*nga pa rin ako hanggang ngayon.”

Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha sa mga mata ko habang binibitawan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

“ Tahan na, Madam...nandito lang ako— kami, lagi para sa’yo. Tutulungan ka naming hilumin ang sugat sa puso mo. Kung gusto mo siyang iwasan pansamantala, gawin mo, kung ’yon ang ikakatahimik ng puso mo. Hindi masamang gawin ’yon, Madam. Susuportahan kita, gagawa ako ng paraan para hindi muna kayo magkita. Makita lang ulit kitang maging masaya...nang hindi mo siya naiiisip....gagawin ko. Hindi ako sanay na nakikita kang ganito kalungkot.”

“ Thank you, Ray...” I said and hugged him.

“ Anything for you, Madam...”

_**_

Mugto ang mga mata ko paggising ko.

Mahahalata pang umiyak ako magdamag. Sobrang sakit pa ng ulo ko...

Do I have a fever?

Nakita kong kakatapos lang maligo ni Ray at nakabihis na kaya tinanong ko siya..

“ Ray? What time is it?”

“ Kaya mo bang pumasok, Madam? Mainit ka ngayon. Ako muna ang magiging proxie mo.”

“ What about the—”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now