CHAPTER 50

651 15 0
                                        


Medyo late na akong nagising dahil umaga na rin kaming nakauwi. Kaya dali- dali rin akong nag-asikaso.

Papalabas na ako ng kwarto nang biglang sumabit ang bracelet na binigay sa'kin ni Haruto dahilan upang maputol 'yon.

“ Hayst! Ang malas naman! I'm so sorry..”

Pinulot ko 'yon at inilapag muna sa study table ko.

“ Kuy—” napahinto ako saglit at pumunta sa tapat ng pinto ni Kuya na nakabukas.

Sinara ko 'yon bago umalis.

Masyado pa ngang presko para makalimutan. He's not with us anymore. At hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.

Dalawa lang naman ang subjects namin ngayon kaya siguro mapapaaga na naman ang uwi ko ngayon. I wonder kung kumusta ngayon si Haruto kaya kinuha ko ang cellphone ko't tinext siya.

“ Good morning, baby! H'wag kalimutang kumain sa tamang oras. Are you free this afternoon? Labas sana tayo.”

Message sent.

Pagpunta ko ng University ay tila ba parang kinakabahan ako.

Bakit nga ba?

“ Girl! Kanina ka pa namin hinihintay. Kumusta kagabi?” bungad na tanong ni Chant sa'kin.

“ Uhmm.. ayos naman.”

“ How's the interaction between your and his family?”

“ Maayos. Madali nga silang naging close lahat.”

“ Yon naman pala e. But, why are you like that? Para bang may bumabagabag sa'yo. May problema ba?” nag- aalalang tanong ni Tania.

“ Uhm...okay lang. Kagabi pa nga 'to e...hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.”

“ Baka may iniisip ka ah? H'wag mong sinasarili ang problema. We're always here to listen and help you.”

“ W-wala...kulang lang siguro talaga ako sa tulog. Anong oras na, bakit nasa labas pa rin kayo?”

“ Di mo na naman chineck ang message ni Ma'am sa gc. Hindi raw siya papasok dahil meron silang meeting.”

“ Edi... vacant time natin ngayon?”

“ Yup!”

“ Tara gala!”

“ Tara!”

Wala namang bago, t'wing vacant time namin ay laging mall ang una naming pinupuntahan. Maglilibot lang at k'unting shopping lang ang ginagawa namin.

“ Girls! Tingin niyo? Magugustuhan kaya 'to ni, Drix?” tanong sa'min ni Chant habang hawak- hawak ang color black na long sleeves.

“ Maputi naman siya, teh girl kaya babagay 'yan sakaniya.”

“ Ang tanong nga e kung magugustuhan niya.”

“ Lahat naman gusto niya basta galing sa'yo.”

“ Sabagay. Either tatanggapin niya 'to, o tatanggpin siya ng maaga ni Saint Peter sa taas.”

Habang abala ang dalawa sa pagpili ng damit ay nakuha ng atensyon ko ang wedding gown na nasa kabilang banda lang.

I really can't help not to stare at that long wedding gown. Lahat ng babae'y pinapangarap na masuot 'yan habang naglalakad sa aisle habang naghihintay rin sakaniya ang tamang tao  sa harap ng altar.

“ Gusto mo na bang maging Mrs. Takahashi after graduation?”

Nabigla naman ako ang biglang sumulpot si Tania sa harapan ko.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now