FINALE

171 9 1
                                        

Continuation...

Pagkapasok ng kotse ay agad na bumaba si Tito at niyakap ako.

“ Hija! It’s good to see you again! How are you?
Is my son giving you a headache?”

“ Dad, I’m a good man.”

“ Hehe, hindi naman po, Tito. I’m fine po. Kayo po?”

“ Maayos lang, lagi nga lang pagod sa trabaho. Nandiyan ba si Hector at Divina?”

“ Yes po, naghihintay po sila kasama so Tita Elizabeth.”

“ Kung gano’n, pumasok na tayo.”

Sinubukan namang hawakan ni Haruto ang kamay ko subalit agad ko itong iniwas.

Manigas siya.

Maraming pinahanda si Tita na pagkain kahit kakaunti lang naman kaming nandito.

“ Salamat sa pag-imbita niyo sa’min dito.” ani ni Papa.

“ Ano ka ba, parang isang pamilya na tayo at magiging isang pamilya rin balang araw. You can come here anytime you want.”

“ Kayo rin. Kailan ba kayo uuwi sa Pilipinas? Nang magkasama-sama rin tayo sa bahay namin.”

“ Gagawan ko ng paraan ’yan, Hector.”

“ Hihintayin ko.” saad ni Papa at nakipag tagay kay Tito.

Nasa sala ang mga bata kaya pwede naman nila ’yon gawin.

Tahimik lang kaming nakikinig ni Haruto sa usapan nila hanggang sa napunta na sa’min ang usapan.

“ Kayo, Dawn at Haruto? Ano ba ang mga plano niyo bago matapos ang taon?” tanong ni Tita Elizabeth.

Sabay naman kaming tumingin sa isa’t-isa at tila’y nahihirapan ding sagutin ang tanong.

“ Uh, as for now, Tita, gusto ko lang po muna siyang makasamang puntahan ang mga lugar na gusto naming puntahan. Right?”

“ Y-yeah, since matagal din naming hindi ’yon nagawa, Mom.”

Nagkatinginan naman silang lahat at ngumiti.

We’re all still waiting for the Christmas eve, at habang abala sila Mama, Papa, Tito at Tita sa may terrace ay pumunta muna ako kila Ichiro at Leo na kasalukuyang naglalaro sa sala kasama si Chantelle dahil meron daw kailangang bil’hin si Haruto sa labas.

“ Hey...”

Ngumiti ako at tumabi sakaniya.

“ Kumusta ang pag-aaral ni Leo sa Hong Kong?”

“ Maayos naman. Balak ko siyang pag-aralin na lang sa Ateneo pag tuntong niya ng kolehiyo. Dahil ’yon ang gusto ng Kuya mo at ’yon din ang gusto ni Leo.”

“ Pasaway pa rin ba siya hanggang ngayon?”

She chuckled and looked at  Leo before saying anything, “ Sobrang swerte ko dahil kahit kailan ay hindi niya naman ako binigyan ng sakit sa ulo. He’s a good boy. At ayaw niyang nakikitang umiiyak ang Mommy niya. I raised a gentleman.”

“ Masaya akong malaman ’yon, Chantelle.”

“ Si Harri? Kumusta ang pamangkin ko?”

“ Napaka-poging bata. Hindi pa siya gaanong nakakapagsalita. But he serves as the light and hope of your family. Sobrang masiyahing bata si Harri. Kahit nga ako, tignan ko lang siya’y nawawala na ang pagod ko.”

“ Maybe it's time for you and Haruto to build your own family. Before, I thought my life would never be happy again because I got pregnant with Leo back in college. But I was wrong — that emptiness in my life was suddenly filled. He was what I was missing, and when I gave birth to him, I was overjoyed. Hindi ko siya nakita bilang isang pagkakamali, kun’di bilang isang biyaya sa buhay ko. Pero kayo ni Haruto, maganda na ang buhay niyo ngayon, buhay na kaya nang bumuhay ng pamilya.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now