CHAPTER 16

7.8K 165 0
                                    

Kinagabihan natulog na kami ni nanay pero ako gising pa rin hindi mawala sa isip ko ang nangyari, kung iisipin parang rape ang nangyari sa akin pero rape with consent dahil pumalag nga ako pero bumigay din ako....

Naisip ko paano ko haharapin uli si Trace? matapos ng nangyari sa amin...parang nakakailang na....

Sa kakaisip ko sa bagay na iyon ay nakatulog na pala ako...

TATLONG ARAW ANG LUMIPAS hindi ko nakikita si Trace sa school nakakaramdam ako ng pangungulila kahit hindi naman dapat, hindi nga maganda yung huli naming pagkikita dapat makaramdam man lang ako ng galit kasi nakuha niya yung napakahalagang bagay sa akin pero hindi eh, gaya ng sinabi ko, hindi ako nakaramdam ng pagsisisi, yun nga lang nasaktan ako sa ginawa niya pagkatapos pinaramdam niya sa akin na isa lang akong mababang uri ng babae

Inaayos ko na ang mga panglinis ko dahil malapit na ang oras ng klase ko. Nang may bumangga sa aking babae.

"Gosh! Hindi ka tumitingin sa paligid, nakaharang ka sa daan!" Sigaw nung babae sa akin at nakayuko lang ako hinayaan ko lang siya sa mga sinasabi niya, mas okay pa nga iyong ganto sinasabihan ka ng masakit na salita ng ibang tao kaysa sa taong mahal ko...kaysa si Trace mas triple ang sakit na nararamdaman ko pag sinasabihan niya ako ng masasakit na salita.... nakita kong may kasama yung babae na lalaki sa tabi nito. Bigla akong nanginig ng marinig kong magsalita ito.

"Hon, hayaan mo na siya I will punish her for that." Sabi nito. Unti- unting umangat ang ulo ko at tiningnan ko ang lalaki si Trace nga! Natuwa ako ng makita ko siya gusto ko siyang yakapin, tatlong araw lang siyang nawala pero pakiramdam ko mahigit isang buwan na...

Nakatulala lang ako sa kanya at nakatingin sa mga mata niya, nakatingin din siya sa akin pero yung mga tingin niya ay yung parang hindi niya ako kilala...

Nang biglang kumapit yung babae sa braso niya. Napatingin ako don at nalungkot, tiningnan ko yung babae mula ulo hanggang paa. Sexy,maganda, sophisticated, matangkad at halatang galing sa magandang pamilya, ang layo ko sa mga gusto ni Trace sa isang babae...

"Hon..lets go to your room...she's drooling on you" Paglalambing nung babae tapos binigyan pa niya ng smack kiss sa labi si Trace parang pinipiga ang puso ko lalo na ng hinawakan ni Trace ang batok nito at pinalalim ang halik dito.

Napayuko na ako...hindi ko na kaya ang nakikita ko, gusto ko nang umiyak ng mga sandaling iyon pero hindi, ayokong umiyak sa harap nila.

Patuloy lang sila, gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko pero pakiramdam ko nakaglue ang mga paa ko...

Ilang minuto pa ay naghiwalay din sila. At pagkatapos ay nilagpasan nila ako. Pagkalagpas na pagkalagpas nila tumulo na ang luha ko. Ang hirap pigilan... Pumunta muna ako sa banyo at duon ako umiyak ng umiyak ng tahimik. Nang gumaan na ang pakiramdam ko lumabas na ako at dumiretso na sa classroom.

Nang nandito na ako wala parin si Ramiasen, nakaupo lang ako mag-isa wala na akong gana na pumasok pero pumasok pa rin ako.

Maya-maya dumating si Ramiasen naupo ito sa tabi ko. Hindi ito nakatingin sa akin at parang may hinahanap sa paligid. Tapos nagsalita ito.

"Hindi pa ba dumadating si Kenshin? Kanina kasi nakita ko siya at sinundan ko pero bigla na lang siyang nawala akala ko nandito na siya." Sabi nito sa akin. Tapos ay lumingon siya sa akin. Parang nagulat pa ito pagkakita sa akin agad nitong hinawakan ang pisngi ko at tiningnan ang mukha ko.

"Anong nangyari sayo girl! Ang haggard mo mukha kang panda!" Bulalas nito na birong totoo.

"Ah kasi napuwing ako kaya ganyan..." Sabi ko at nagbuklat ng libro.

"Girl ganyan na ba itsura ng napuwing! Grabe naman nakakatakot." Sabi nito sa akin. Pero may pag-aalala sa tinig nito

Hindi pa rin ako nagsalita, maya maya hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Carlyn...nakikita kong may problema ka...huwag mo ng itago...kaibigan mo ko." Sabi nito. Bubuka na sana ang bibig ko ng biglang dumating si Kenshin.

"Good morning Carlyn! Oh what happened to you? Namumugto ang mata mo..." Nag-aalalang tanong ni Kenshin.

"Kaya siya umiyak kasalanan ko may pinanuod kasi ako sa kanya sa laptop ko na movie kaya ayun umiyak. Kilala mo naman si Carlyn medyo iyakin." Nakangiting sabi ni Ramiasen dito. Buti na lang pinagtakpan niya ako kay Kenshin.

"Ganun ba..." Nakatingin pa rin ito sa akin parang binabasa ang nasa isip ko. Nagsalita ulit si Ramiasen.

"Kenshin pag-usapan na lang natin ay ang future natin" sabi ni Ramiasen.

Napasimangot si Kenshin at hindi na nagsalita pa, buti na lang at tinulungan ako ni Ramiasen iwasan ang tanong ni Kenshin.

Nang matapos ang klase namin at uwian na pumunta kami ni Ramiasen sa bench sa quadrangle duon kinuwento ko sa kanya lahat na mahal ko si Trace at may nangyari sa amin, nung una nagdadalawang isip akong sabihin kasi nahihiya ako at naisip ko baka kung ano ang maging tingin sa akin ni Ramiasen pero niyakap lang niya ako at kinomport. Salamat kay Ramiasen isa siya sa mga taong mahal ko para ko na rin siyang kapatid.

"Nag-usap na ba kayo ni Trace pagkatapos ng nangyari..." Tanong nito. Umiling ako.

"Eh nasaan siya?" Tanong nito.

"Nandito siya sa school....nakita ko siya kanina at....at may kasama siyang babae" sabi ko sa basag na boses tumulo ang luha ko at agad ko iyong pinunasan.

"Ha?... Kala ko pa naman pwedeng maging kayo..."

"Ano ka ba? Simula pa lang malabo na talaga..." Sabi ko.

"Ahm....hindi ko pa ito nasasabi sayo, hindi ko lang alam kung maniniwala ka pero pag tinitingnan ko kayo...parang pwede kayo" sabi nito. Naguluhan naman ako sa sinasabi niya!.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Because when I was a child they said malakas daw ang sense ko kung para sa isat-isa ang tao o hindi. Two pairs na kasi ng tao, tumama yung hula ko na magkakatuluyan sila, ewan ko pero alam mo yung pag nakita mo ramdam ko kung sila o hindi, ganun yun, magulo diba pero totoo nung unang beses na nakita ko kayo ni Trace naisip ko na baka para kayo sa isat-isa" sabi nito sa akin.

"Baka nagkamali ka lang sa amin, tingin mo sa mga kinuwento ko sayo may chance ba na magkatuluyan kami ni Trace" sabi ko sa kanya.

"Hindi ko lang alam...baka nga nagkamali lang ako ng hula.." Sabi nito sa akin. "Pero girl pag may problema ka uli tungkol kay Trace na yan sabihin mo sa akin at lalabanan ko na talaga siya namumuro na siya sa akin, lagi ka na lang niyang sinasaktan!" Mataray na sabi nito. Napangiti na lang ako sa kanya...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon