CHAPTER 31 PART 1

7.3K 152 6
                                    

"Ano sinabi niya sayo ang mga bagay na yon!? He's an idiot! Porket may picture at nagalit siya hindi ka na niya pakikinggan! Halika bumalik tayo! Puntahan natin siya, Im will going to explaine everything to him what really happened to you nung wala siya!" Nagagalit na sabi ni Ramiasen matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari ay gusto nitong kausapin si Trace. Nandito kami sa sasakyan niya at ihahatid niya ako sa bahay hindi na nga ito pumasok sa klase para makasama ako.

"Ram... Huwag mo nang sabihin please... Ayoko na nanggulo.." Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay at tinitigan. Naniningkit ang mata nito sa galit at namumula rin ito ang puti pa naman niya.

"Car! I want him to know that he was wrong judging you without asking any explanation from you...basta na lang siya nag conclude hindi man lang siya nakinig sa side mo at take note buntis ka dahil sa kanya!" dahil sa pag-uusap naming ito. Gusto ko na naman maluha.

"Yun na nga eh, hindi niya ako pinaniwalaan mas naniwala siya na isa akong masamang babae, pinapakita lang nun na wala talaga akong halaga sa kanya dahil mabilis niya akong nahusgahan sa kabila ng pinagsamahan namin.. Kaya naisip ko.. Hayaan na lang siya... Ako nga mabilis niyang itinulak palayo, paano pa kaya kung malaman niyang buntis ako baka mas masakit pang salita ang sabihin niya kapag nalaman niya. Ayokong sabihan o itakwil niya ang anak ko. Yun ang mas masakit..." Sabi ko sa kanya, hindi ko kaya kung pati anak namin, eh madamay sa galit niya sa akin.... Lumambot ang expression ng mukha nito tapos at tinitigan ako.

"Alam kong masakit Car pero kakayanin mo bang mag-isa palakihin ang bata..."

"Hindi ako mag-isa kasama ko si nanay." Sabi ko sa kanya at pilit ngumiti.

"Pero anak niya yan eh... Dapat malaman niya, hindi iyong matapos ka niyang buntisin eh, magdudusa ka, habang siya ayon! Nagpapakasaya sa iba.." Sabi nito sa akin. Napayuko ako.

"Ram... Pinakamahirap magpaliwanag sa taong ayaw makinig kahit anong sabihin mo, kahit anong paliwanag mo, walang mangyayari kung siya mismo ang may ayaw.." Bumuntong hininga ito.

"If thats your decision I have to respect it... Car alam mong maraming problema kang haharapin lalo na ngayong magiging isa ka ng ina.. Pero gaya ng sinabi ko handa kitang tulungan, pero paano kung magtanong ang anak mo tungkol sa ama niya? Paano kung hanapin niya ito? Kailangan niya ng ama." Mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito.

"Hindi mangyayari yon, kakayanin ko kung ano man ang darating sa buhay ko, hindi rin siya maghahanap ng ama dahil hindi ko ipaparamdam sa kanya na may kulang sa buhay niya." Determinado kong sagot, hindi na ako gustong makita ni Trace kaya mas maigi pa ilihim ko na lang na nagkaanak kami.

"Pero hindi parin maiaalis na hanapin niya ang ama niya... Likas na mapang-usisa ang isang bata lalo na at makikita niya ang ibang mga bata na may kasamang ama, hindi ba" paliwanag nito sa akin. Pero buo na ang desisyon ko. Ayoko ng alamin kung anong magiging sagot niya sa pinagbubuntis ko dahil baka masasakit na salita lang ang sabihin nito.

"Saka ko na iisipin ang bagay na iyan sa ngayon kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pamilya ko." pinal ko nang sagot. Bahala na kung ano ang mangyayari sa hinaharap ang mahalaga ngayon ay ang pamilya ko. Niyakap ako ni Ramiasen.

"Basta ako ninang ha!? Sasabunutan kita pag hindi ako ang ninang!" Biro nito sa akin. Napangiti na lang ako...

_________________________________

Nang nasa tapat na kami ng apartment, bumaba na ako at nagpaalam kay Ramiasen nakita ko si Nanay na nakatayo sa pinto. Lumapit ako at nagmano. Kita ko sa itsura nito ang pag-aalala.

"Anak anong nangyari?" Tanong nito napansin siguro nito ang pamumula ng mga mata ko.

"N-nay.. Na-" napatingin muna ako sa kanya bago nagsalita.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon