CHAPTER 14

8.3K 178 1
                                    

TRACE POV:

Pagkatapos ng dinner dumiretso na ako sa kwarto ko at pumunta sa mini library duon na ako tawa ng tawa. Sobrang saya kanina lalo na ng nakita ko ang itsura ng stepmom ko, galit na galit eh.

Hindi ko inaasahan na magugustuhan ni papa yung janitress pero okay lang dahil nagalit ko naman ang stepmom ko kaya hindi rin nasayang ang plano, muntik na nga ako matawa nung lumipad yung steak sa damit niya, panay ang tili niya.

Mga ilang sandali pa naramdaman kong may nakatayo sa pinto nakita ko yung janitress na tulala, pinatawag ko kasi siya sa katulong. Pagkakita ko ulit sa kanya natawa na naman ako.

Hinamig ko muna ang sarili ko at ng okay na ako lumabas na ako ng mini library. Sumunod siya sa akin hanggang sa kwarto. Naupo siya sa couch, ako naman pumunta ng banyo para magshower.

Lumabas akong nakatowel lang napatingin siya sa akin at nakita kong pulang pula ang mukha niya.

Napangisi na lang ako. Ano ba yan ngayon lang nakakita ng lalaking nakatowel? Tsk. Pumunta ako sa walk-in closet at nagbihis. Paglabas ko handa na akong matulog.

"Matulog na tayo" sabi ko sa kanya. Nakita kong nanlalaki ang mata nito at lalong namula. Ano ba yan mukha na siyang ewan!

"Ma-magkatabi ta-tayo s-sa ka-kama?" sabi nito. Naku yan na naman ang speech problem niya!

"Ano ka sinuswerte? dun ka sa couch" sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya tiningnan at naglakad na ito papuntang couch.

"Ah, oo nga pala Carla" tawag ko.

"Carlyn, Trace" pagtatama nito sa akin. Tsk! parehas lang din yan may letter c din naman! Bahala siya!

"Gumising kang maaga, aalis din tayo agad" sabi ko tumango lang ito at pumunta na sa couch ako naman nahiga na sa kama ko. ______________________________________________________________

CARLYN POV: Ano ba yan!? Nakakahiya na nga ako sa mommy niya!

Nakakahiya pa kay Trace! Ano ba kasi ang nasa isip ko at natanong ko pa kung tabi kami sa kama? hindi ko man lang naisip na maaaring sa couch niya ako patulugin! Kasi naman nagulat ako paglabas niya ng banyo nakatowel lang! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking towel lang ang tanging suot! syempre hindi ako sanay sa ganun kung anu-ano tuloy pumapasok sa isip ko! Pwede pa siguro walang t-shirt kaya ko pa...pero yung towel lang! Jusme! nagiging imaginative ang isip ko! Ang ganda pa naman ng katawan niya!

Hindi pa rin ako makatulog kahit kanina pa ako nakahiga sa couch dahil na rin siguro sa ilaw hindi kasi ito ini-off ni Trace, naiintindihan ko naman...takot siya sa madilim, tumagilid ako at tiningnan si Trace nakatalikod ito sa akin.

Ilang minuto rin ako nakatitig sa kanya tapos tumayo ako at lumapit sa kanya, sinilip ko siya nakapikit na ito inilapit ko yung kamay ko sa ilong niya para malaman kung tulog na ito, ng maramdaman kong payapa ang paghinga nito, sure akong tulog na nga siya. Umikot ako sa kabila para nakaharap na siya sa akin.

Naupo lang ako sa sahig at nakatitig lang sa kanya... hindi kasi ako makatulog kaya tiningnan ko na lang siya...

Napatingin uli ako sa labi niya. Parang nahihypnotized na naman ako. Umiling-iling ako tapos lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

Tumayo na ako at bumalik sa higaan ko, ewan ko ba? paghiga ko inantok na ako siguro yun lang talaga ang gusto ko ang matitigan si Trace at mahagkan kaya hindi ako makatulog kanina, hanggang sa unting-unti na akong hatakin ng antok... Nagising na lang ako ng may marinig akong umuungol.

Napadilat ako ng mata kahit inaantok pa ako tumingin ako kay Trace, pabiling-biling ang ulo nito parang binabangungot, kaya nawala ang antok ko at dali-dali akong pumunta sa kanya.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon