CHAPTER 22 PART 2

7.4K 164 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa quadrangle dala ko ang walis ng may biglang humawak sa braso ko ng napakahigpit. Napatingin ako kung sino iyon at nakita ko ang classmate kong si Mildred, nanlilisik ang mata nito sa akin na parang gusto akong saktan o kaya alisin sa landas niya. Nakaramdam ako ng takot pero pilit ko yung inalis sa sistema ko.

Inalis ko ang braso ko sa kanya at napahawak ako sa bahagi kung saan niya ako hinawakan. Hindi naman dapat ako masasaktan pero dahil mahaba ang kuko nito at dahil sa higpit narin ng hawak nito. Nasaktan ako sa pagkakabaon ng kuko niya sa balat ko. Tapos ay nagsalita ito.

"Stay away from Trace!" Sigaw niya sa akin. Galit ito at nagbabanta ang tinig.

"Ano bang sinasabi mo?" Sabi ko sa kanya ang gulo kasi ng babaeng ito eh.

"I know your trying to seducing Trace! you low file bitch!" Sigaw nito sa akin at mas lalong tumalim ang tingin nito sa akin.

"Ha? Alam ng lahat na utusan ako ni Trace! At hindi ko siya sineseduce" sabi ko sa kanya at tumalikod, ayoko ng makipag-usap sa babaeng ito. Mukhang may sumpong. Pati ba naman ako pag-iisipan niya ng ganung bagay? Sineseduce ko daw si Trace? Eh wala nga akong kahit isa sa katangian ng mga babaeng gusto nito! Tapos ibibintang sa akin ang ganung bagay! Eh siya ang ganda-ganda niya mayaman pa tapos sinabi niya sa akin iyon. Pag pinaglapit kaming dalawa lamang na lamang siya sa lahat ng aspeto!.

"When Im still talking to you! Huwag na huwag mo akong tatalikuran mang-aagaw! Bitch!"

Bago pa ako makalayo. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa buhok at hinila pabalik at binitawan. Muntik na akong masubsob sa lupa, dahil nawala ang balanse ko buti na lang nabawi ko ang balance ko, natakot ako na baka mapaano ang baby ko kaya bumangon ang galit ko dahil sa muntikan ng mangyari kanina.

"Ano bang problema mo!? Hindi ko inaakit si Trace! Ni hindi nga niya ako napapansin! At nang-agaw? Wala naman akong aagawin dahil hindi naman siya sayo!" Sa inis ko nasabihan ko siya ng ganyan dahil na rin sa buntis ako at natakot ako para sa anak ko kanina, naging sobrang tapang ko.

Pero kung nangyari ito dati ang madalas ko lang ginagawa, eh ang yumuko at humingi ng tawad.

Pero iba ngayon!

"Ha! Akin siya! At tama ka! Bakit ka niya papansinin! Your just a cheap ugly beggar girl! Pero dahil siguro sa sipag mong manglandi sa kanya, you got his attention!" Sigaw nito sa akin ano bang problema nito. Eh samantalang matagal ko ng hindi nakikitang magkasama ito at si Trace simula nung mahuli ko sila at kung nagseselos ito. Bakit ngayon lang ito umalma?

"Alam mo wala akong alam sa sinasabi mo, mabuti pa aalis na ako." Sabi ko pero hinawakan uli ako sa braso.

"Hmm... Playing innocent? But the truth your such a whore! I saw you last night with Trace, nandun ako sa bar and do you know the most shocking part of it? Nang sinundan ko kayo pumasok kayong dalawa sa condo niya at hindi na lumabas!" Sabi nito nanggalaiti ito sa galit "nung una hindi ko naisip na baka magkainteres sayo si Trace dahil na rin sa itsura mo, I tried to make him mine again pero di na nangyari at ngayon alam ko na its all because of you!" Sigaw nito sa akin. Aba! Bakit ako ang sisisihin niya eh,maraming babae si Trace tapos sa akin niya ibubunton ang lahat!.

Tinangka niya akong sampalin pero nasalo ko ang kamay niya. Hinawakan ko ito ng mahigpit.

"Hindi ko kasalanan kung iwan ka niya! Ano ka? Ikaw lang ang babae sa mundo? At higit sa lahat hindi ko ugali mangseduce o mang-agaw? Hindi ko gawain ang gawain mo! Na kahit alam mo nang sila ni Casey noon, nagawa mo parin siyang akitin!" Sigaw ko buti na lang walang tao sa quadrangle kaya walang nakakarinig ng usapan namin.

"How dare you!" Inangat naman nito ang kaliwang kamay para sampalin ako pero nahawakan ko ulit iyon, nabitawan ko tuloy yung walis na hawak ko.

"Subukan mo lang... Akala mo hindi kita lalabanan?" Nakangisi kong sabi. Galit din ako at hindi ko siya uurungan. Binawi nito ang kamay sa akin at nagsalita.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon